Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P225-Milyon ang  itinaas ng benta sa 2013

Hindi naging balakid ang mga pagsubok na kinaharap ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni Chairman Angel L. Castaño at sa tulong ng kanyang board of directors, umakyat ang benta ng karera sa nakaraang taon 2013.

Nakalululang P225-Milyon ang kinita sa kabila ng mga naganap na  bagyo, ang pagbubukas ng Metro Manila Turf Club sa Malvar,  Batangas at racing holidays na isinagawa ng tatlong horse owner.

Dahil sa mga inilatag na programa ng Philracom,   napagtagumpayan nito na labanan ang mga araw na pagkalugi ng kita sa karera dahil sa mga pangyayari gaya ng disaster at racing holidays.

Umabot sa P100-milyon ang nalugi ng benta sa karera sa mga nasabing event na ang pinakamalaking pagkalugi ay ang araw ng racing holidays ng mga horse owner dahil sa pagtutol sa 3% trainers fund.

Pero bumuwelta ang  malalaking pakarerang naganap sa huling bahagi ng taong 2013 na lumikha ng malaking kita sa Presidential Gold Cup, Philtobo Grand Championship, Klub Don Juan de Manila Cup, Bagatsing Cup at Marho Cup.

Gayunman nalungkot ang Philracom dahil sa limang malaking pakarerang nabanggit lubhang ang pakarera ng Marho ang mahinang kinita.

***

Dalawang malalaking pakarera ang nakalinya ngayong buwan ng Enero para sa buwang 2014.

Magsisilbing buena-mano  ng taon ang 3 year old Filiies  at 3 year old Colts Championship, ang labanan ng mga Triple Crown contender  na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park, Carmona,  Cavite.

Susundan naman 1Leg Imported-Local Challenge race na paglalabanan ng mga imported na mananakbo at mga magagaling na local horses sa bakuran ng Philippine Racing Club sa Naic, Cavite.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …