Sunday , December 22 2024

Petilla, Meralco spokesman – Piston

KINONDENA  ng transport group ang pahayag ni Department of Energy (DOE)  Secretary Jericho Petilla na nang-uudyok sa Meralco na iapela ang temporary Restraining Order (TRO) na ibinaba ng Korte Suprema na nagpatigil sa pagpapatupad ng P4.15 per kWh hike sa koryente.

“Parang hindi kalihim ng DoE kung umakto si Petilla. Mas umaakto siya bilang spokesman at abogado ng Meralco,” ani PISTON National President George San Mateo.

Sinabi ni San Mateo, nadidismaya sila sa pahayag ni Petilla dahil bukod sa hirap ng buhay ng mga drayber at maliliit na operator bunga ng walang-regulasyong pagtaas sa presyo ng langis ay dinadagdagan pa ang kanilang pasanin ng mataas na bayarin sa koryente.

Dahil dito, hinamon ng PISTON si Petilla na ito mismo ang mag-apela sa TRO ng Korte Suprema.

“Hinahamon ng PISTON si Petilla na siya mismo ang magpetisyon at umapela sa Korte Suprema para magkaalaman na. Mabuti pang hayagan na niyang ilantad sa taongbayan ang kanyang pagiging  protektor ng makapangyarihang power cartel sa bansa,” giit ni San Mateo.

Dagdag pa ni San Mateo, may go signal ni Pangulong Benigno ”Noynoy” Aquino ang ginagawa ni Petilla na pagprotekta sa supertubo ng Power Cartel sa bansa gaya ng ginagawa nitong pagprotekta sa supertubo ng dambuhalang oil cartel sa bansa na buong-laya magtaas ng presyo ng walang anumang regulasyon ng pamahalaan bagkus ang pamahalaan pa mismo ni Aquino at si Sec. Petilla pa ang nagtatanggol  sa tuwing taas sa presyo.  (JAJA GARCIA)

Sa pagpabor sa Meralco

PETILLA IDINEPENSA NG PALASYO

IPINAGTANGGOL ng Palasyo si Energy Secretary Jericho Petilla kaugnay sa paghimok sa Manila Electric Company (Meralco) na iapela ang 60-day temporary restraining order na inilabas ng Korte Suprema na pumigil sa implementasyon ng P4.15 /kWh power rate hike.

Sa kabila ng pagbatikos sa tila pag-aabogado ni Petilla sa Meralco, para kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., “makatuwiran at makatarungan” ang posisyon ng energy secretary at nagsisilbi sa kapakanan ng mamamayan.

“Pinapaliwanag lamang ni Kalihim Petilla na ang pagkakaroon ng 60-day TRO ng Korte Suprema ay mayroong mga implikasyon sa pagbayad ng mga mamamayan sa halaga ng serbisyo ng koryente. Ang pamahalaan po ay laging tumatayo sa katwiran at katarungan para sa kapakanan ng mga mamamayan,” sabi ni Coloma.

Buo pa rin aniya ang tiwala ni Pangulong Benigno Aquino III kay Petilla kahit pa may masidhing panawagan ang mga militanteng grupo na magbitiw na ang kalihim bilang energy secretary dahil sa pagdepensa sa big time power rate hike na inihihirit ng Meralco.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *