Sunday , December 22 2024

Parusa vs fireworks’ violators tiniyak ng PNP

HINIGPITAN pa ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa illegal na paputok habang nalalapit ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Matapos siyasatin ang pagawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, pinatitiyak ni PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima sa kanyang mga tauhan na ipatupad ang RA 7183 o ang batas laban sa illegal firecrackers.

Binigyang-diin ni Purisima na hindi lang natatapos sa pag-aresto at pagsampa ng kaso ang trabaho ng PNP kundi sa masinsinang pagtutok sa kaso hanggang  maparusahan ang nasa likod ng mga illegal na paputok.

“It is not enough that we arrest and file cases against violators,” ani Purisima.

Nabatid na may pitong panibagong kaso na ang naisampa ng PNP laban sa mga akusadong lumabag sa batas kabilang ang siyam na manggagawa sa fireworks factory na sinalakay ng pulisya sa Sitio Daang-Riles, Brgy, Bundukan.

Tiniyak naman ng pulisya na magpapatuloy ang operasyon ng mga awtoridad laban sa illegal na paputok kasabay ng bantang walang makaliligtas sa mga mahuhuli na agad sasampahan ng asunto. (BETH JULIAN)

P.2-M FIRECRACKERS KOMPISKADO

Aabot sa P200,000 halaga ng illegal paputok ang kinompiska ng Parañaque City Police na ibinebenta sa Aguirre St., BF Homes, Parañaque, Linggo ng tanghali.

Ayon sa Parañaque Police, bagama’t wala sa listahan ng ipinagbabawal na paputok ang mga nakompiska, walang kaukulang label ang mga paputok kung saan ito gawa at anong kompanya ang nagmanupaktura nito.

Wala rin Mayor’s permit at pahintulot mula sa Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosive Office ang may-ari ng stall para magtinda ng nasabing paputok.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 7183 o illegal manufacturing of pyrotechnics ang dalawang may-ari ng tindahan.

Nasa tanggapan na ng Explosive Ordnance Division ng Parañaque Police ang mga nakompiskang paputok. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *