Friday , November 15 2024

6 patay, 5 sugatan sa bus vs SUV sa Sorsogon

123013_FRONT

LEGAZPI CITY – Anim katao ang patay habang lima ang sugatan sa banggaan ng bus at sport utility vehicle (SUV) sa Juban, Sorsogon kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa mga namatay ang bus driver na si Danilo Montefalcon y Zafra, ng Sampaloc, Maynila; Rosalito Malig y Bobadilla, driver ng SUV; Alfredo Manansala y Manapol; Jaime Malabanan y Javier; Levy Erasga y Mercado; at Vicente Clarito y Antay, pawang taga-Calamba, Laguna.

Sugatan sina Ronalyn Dosa, Alvin Ruiz, Angelika Pagasertonga, Boy Navarosa at Analiza Macapanas, kasaluku-yang nasa Sorsogon Provincial Hospital.

Ayon sa impormas-yon, mula sa Samar ang mga nakasakay sa Suzuki SUV (TGO-350) dahil sa misyon bilang Born Again Christians habang galing naman sa Maynila ang Fortune Bus (UVB-943).

Nakalagak sa Hadoc Funeral sa Juban ang labi ng mga biktima at nakatakdang isailalim sa awtopsiya.

Patuloy pa ang im-bestigasyon ng pulisya sa insidente bagama’t lumalabas na head on collision ang nangyari.

ni BETH JULIAN

4 sugatan

WAITING SHED INARARO NG BUS 2 PASAHERO TODAS

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang dalawang pasahero at apat ang su-gatan makaraang bumangga ang pampasahe-rong bus ng Ballesteros Bus Liner (BW 8594) kahapon ng madaling araw sa waiting shed sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Kabilang sa dalawang namatay ay ang konduktor na si Ralph Quismundo, residente ng Cabuluan East, Ballesteros, Cagayan, at isang hindi pa nakikilalang babae na tinatayang 30 anyos.

Kinilala ang mga su-gatan na sina Jonesto Tagumati, driver at residente ng Ballesteros, Cagayan; Rommel Ison, residente ng Binangonan, Rizal; at Ma. Alisa Collado, 25, residente ng Cagayan.

Sa paunang pagsisiyasat ng PNP Cabatuan, iniwasan ng bus ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang Mauro Tagavilla na naputulan ng mga daliri sa kamay dahil sa insidente.

Ngunit sa kasamaang-palad ay sumalpok ang bus sa waiting shed.

Ang pampasaherong bus ay galing sa Metro Manila patungong Ballesteros, Cagayan.

About hataw tabloid

Check Also

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *