SINABI ni Kevin Durant na hindi niya kayang ipanalo ang Oklahoma City Thunder ng nag-iisa.
Ayon pa sa star player Durant na kailangan nito ng makakatulong dahil may injury na naman si All-Star member Russell Westbrook.
‘’I need Reggie Jackson. I need Serge Ibaka. I need Kendrick Perkins. I’m not afraid to say that,’’ sambit ni Durant. ‘’I need to lean on those guys, just like we need to lean on each other. That is what team is about. So through adversity we just have to lean on each other.’’
Subalit sumandal pa rin ang Thunder kay Durant upang kaldagin ang Charlotte Bobcats, 89-85 kahapon sa 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season.
Tumikada si Durant ng 34 points, 12 rebounds at anim na assists upang ilista ang 24-5 karta ng Thunder at makisalo sa unahan ng Northwest division.
Kapareho ng Thunder ang Portland Trail Blazers.
Bago nagsimula ang laro ay inihayag na hindi makakalaro ang point guard na si Westbrook ng 27 na laro dahil sa kanyang knee injury.
‘’Obviously, it was an emotional day with Russell, but I thought we did a good job of handling that,’’ Thsaad ni under coach Scott Brooks. ‘’Now we’ve got to work and improve the rest of the season.’’
Nakakuha ng tulong si Durant kina Serge Ibaka at Thabo Sefalosha na nag-ambag ng tig 12 puntos at Reggie Jackson at Jeremy Lamb na nagsumite ng tig 10 markers.
Samantala, lugmok na naman ang Los Angeles Lakers sa Utah Jazz, 103-105 habang tinambakan ng Minnesota Timberwolves ang Washington Wizards, 120-98.
(ARABELA PRINCESS DAWA)