Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tatay, 2 anak minasaker sa Bulacan (Bunso nakaligtas)

122913_FRONT
PATAY ang isang ama at kanyang dalawa anak nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Purok 9, Brgy. Sta. Monica, Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Andres Vengco, 46, tricycle driver; Michael Vengco, 24, supervisor sa isang kompanya ng biskwit, at Mary Rose Vengco, 15, estudyante.

Himalang nakaligtas sa pamamaril ang isa pang anak ni Andres na si John Lloyd Vengco, 4-anyos, sinasabing katabi ng ama sa kanyang pag-tulog.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 11:50 p.m. nang mangyari ang pamamaril sa mga biktima na inakala ng mga kapitbahay na mga paputok lamang.

Wala pang maibigay na detalye ang pulisya kaugnay sa posibleng motibo ng pagpaslang sa mga biktima.

ni DAISY MEDINA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …