Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino ang tatanghaling Juvenile Champion?

Ito ang sasagutin ngayong araw sa pag-alagwa ng 2013 Philracom Juvenile Championship na gaganapin sa bakuran ng Metro Manila Turf Club, sa Malvar, Batangas.

Magsusukatan ng bilis at lakas ng hininga ang 14 na kalahok na 2 year old na mananakbong lokal sa 1,600 meter na karera mula sa matigas na pista ng MMTC.

Maglalaban-laban ang limang fillies at 9 na colts, na pangungunahan ng mga pinapaborang kalahok na Barcelona, Matang Tubig, Mabsoy, Mr Bond, Hello Patrick, Fairy Star, Kid Molave, High Grader, Kukurukuku Paloma, Skyway, The Lady Wins, Love Na Love  at Up and Away.

May nakalaang na premyong P1.5 milyon sa mananalo habang 562,500 sa segunda P312,500 sa 3rd placer at P125,000 sa 4th placer.

Inaasahan na hahatak ng benta ang Kid Molave ni Emmanuel Santos, Bacelona ni Maverick Leonardo T. Javier, Matang Tubig at  Mr. Bond ni Hermie Esguerra at Up and Away ni Ruben Dimacuha.

Magsisilbing kakampi naman ng Barcelona ang couple entry nito si Mabsoy, habang Love Na Love naman para kay Mr.Bond The Lady Wins para naman kay Hello Patrick.

Gayunman, Ang Kid Molave ay nakahanap ng kakampi kay Matang Tubig.

Inaasahan ang mahigpit na laban nina Barcelona at Kid Molave na  inaabangan  ng publikong karerista sa maganda at malamig na karerahan ng Malvar Race Track.

Asahan na mapupuno ang Ping-Ping  OTB sa A. Bonifacio, Barangay Paang Bundok, Quezon City, para tunghayan ang nasabing huling karera ng taon kasama si Chairman William Chua.  Malamig na beer at masarap na pulutan para sa karerista.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …