Friday , November 15 2024

Saludo para sa sundalo

“The Filipinos are worth dying for.” – dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Sr.

***

Panahon ng kasiyahan ang buwan ng Disyembre. Dito ipinagdiriwang ng bawat tao sa buong mundo ang kapanganakan ni Hesus. Kapaskohan ang isang mahalagang okasyon tuwing sasapit ang buwan na ito.

Ngunit hindi lamang ito panahon ng kasayahan lalo na sa mga Pilipinong kailan lang ay naapektohan ng mga sakuna. Nand’yan ang kaguluhan sa Zamboanga, ang 7.2 magnitude na lindol sa Bohol, at ang pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Visayas. Maraming nasirang mga ari-arian, gayon din ang mga naibuwis na buhay.

Marami na rin Filipino ang nagbuwis ng buhay para sa Pilipinas. Mula sa mga bayaning lumaban para sa kalayaan natin mula sa mga mananakop, na nagpatunay na ang Pilipinas ay para sa mga Filipino, kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Sr., na muling binuhay sa bawat Filipino ang halaga ng nasyonalismo at demokrasya, hanggang sa mga Filipinong maituturing na rin bayani dahil sa pagbubuwis nila ng buhay para sa ikabubuti ng nakararami.

Bayaning maituturing si Private First Class (Pfc) Ian O. Paquit PA matapos maibuwis ang kanyang buhay habang isinasagawa niya, kasama pa ang ibang kasamahang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang kanilang misyon na ibalik ang kapayapaang ginulo ng paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) na mga tao ni  Nur Misuari.

Binawian ng buhay si Pfc Paquit sa ospital, ilang araw matapos tamaan ng bala sa kanyang leeg habang nakikipaglaban sa pwersa ng mga tauhan ni Misuari sa Zamboanga City.

“Mahal ko ang trabaho ko higit sa kahit ano pa man.” Ito umano ang sinabi ni Pfc Paquit sa kanyang kapatid sa kabila ng panghihimok na huwag nang bumalik sa Zamboanga matapos masugatan.

Ngunit hindi iyon sapat para mapigilan si Pfc Paquit sa kagustuhan na makatulong sa kasamahan at maibalik muli ang kapayapaan sa Zamboanga. Sa kanyang muling pagbalik sa labanan ay isinakripisyo niya ang kanyang buhay para madepensahan ang mga kasamahan na lumalaban din ng mga panahong iyon sa mga tauhan ni Misuari.

Sa kabila ng batang edad na 21 anyos ay hindi nagpatinag si Pfc Paquit na gawin ang kanyang sinumpaang tungkulin para sa mga Filipino.

Noong nakaraang 78th AFP Anniversary ay tinanggap ng kanyang amang si Eduardo O. Paquit ang Medal of Valor (Posthumous) para sa anak. Sinasalamin ng nasabing award ang ipinakitang kabayanihan, katapangan, dedikasyon at sakripisyo ni Pfc Paquit.

Isa lamang si Pfc Paquit sa mahigit 50 indibidwal na ginawaran ng parangal ni Pres. Benigno S. Aquino III sa nasabing anibersaryo.

Nararapat na gawing huwaran si Pfc Paquit dahil sa kanyang ipinamalas na kabayanihan. Sa pagtatapos ng taong ito ay ating alalahanin ang lahat ng mga Filipinong tapat na tinupad ang kanilang tungkulin na paglingkuran ang mga kapwa Filipino.

Manigong Bagong Taon po sa inyong lahat!

Gerry Zamudio

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *