Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

RoS Llamado vs SanMig

PINAPABORAN ang Rain Or Shine na makaulit kontra SanMig Cffee sa kanilang rebanse sa PLDT myDSL PBA PHilippine Cup mamayang 5:15 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Halos parehas naman ang laban sa pagitan ng Globalport at Barako Bull sa unang laro sa ganap na 3 pm.

Naungusan ng Elasto Painters ang Mixers, 86-83 sa kanilang unang pagkikita noong Disyembre 6.

Ang Elasto Painters ay may 6-3 record at galing sa dalawang magkasunod na panalo. Ipinalasap nila sa Petron ang una nitong kabiguan, 99-95 noong Disyembre 23. Isinunod nila ang Barako Bull, 99-95 noong Biyernes.

Sa kabilang dako, napatid ang two-game winning streak ng SanMig Coffee nang itoy tambakan ng Aaska Milk, 88-75.

Laban sa Energy ay sumingasing nang husto si Jeff Chan na gumawa ng 34 puntos. Bukod kay Chan ay pambato ng Rain Or Shine sina Gabe Norwood, Jervy Cruz, JR Quinahan at Paul Lee.

Makakatunggali nila sina two-time Most Valuable Player James Yap, Peter June Smon, Joe deVance, Mark Barroca at  rookie Ian Sangalang.

Hindi pa rin makapaglalaro sa Rain Or Shine si Beau Belga na mayroong tigdas. Sa kabilang dako, nananakit naman at namamaga ang tuhod ni Marc Pinris ng SanMig Coffee.

Matapos ang kauna-unahang three-game winning streak sa kasaysayan ng prangkisa, ang Globalport ay nakalasap ng magkasunod na kabiguan buhat sa SanMig Coffee 83-80) at Air 21 (109-103) para sa 4-5 karta.

Ngayo’y hawak ni coach Ritchie Tizon, ang Global Port ay pinamumunuan nina  Solomon Mercado, Jay Washington and rookies Terrence Romeo at RR Garcia.

Ang Barako Bull ay nasa ikasiyam na puwesto sa kartang 3-7. Si coach Bong Ramos ay umaasa kina Willie Miller, Ronjay Buenafe, Rico Maierhofer, Dorian Pena at Mick Pennisi.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …