Plantsado na ang seguridad sa paggunita ng Rizal Day sa Luneta sa Maynila, Disyembre 30, araw ng Lunes.
Sabado ng umaga, nag-rehearse na ang mga sundalo ng Philippine Army at Philippine Marines na magbibigay-pugay sa bantayog ni Dr. Jose Rizal at katuwang ng Manila Police District (MPD) sa paglalatag ng seguridad.
Inaasahang dadalo sa ika-117 anibersaryo ng kabayanihan ni Rizal na may temang “Rizal, Inspirasyon Noon, Ngayon at Bukas” sina Vice President Jejomar Binay at Manila Mayor Joseph Estrada.
Magsisimula ang programa dakong 7:00 ng umaga bukod sa pag-aalay ng bulaklak, pasisinayaan din ang isang marker ng pagkakatatag ng bantayog ni Rizal sa Luneta.
Pangungunahan ito nina Vice President Binay at kinatawan ng embahada ng Swiss Confederation na si Ambassador Ivo Sieber.
Tiniyak ng MPD na magiging mahigpit ang seguridad sa naturang aktibidad.