Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pingris sisikaping makalaro ngayon

MALAKING dahilan ang pilay ni Marc Pingris sa pagkatalo ng San Mig Coffee kontra Alaska noong isang gabi sa PBA MyDSL Philippine Cup.

Namaga ang kanang tuhod ni Pingris kaya hindi siya naglaro at hindi nahirapan ang Aces na tambakan ang Coffee Mixers, 88-75.

“Namamaga yung tuhod ko, hindi ko alam saan galing. Nakita sa MRI may maga sa tuhod,” wika ni Pingris.

“Mas masakit yung nangyari ngayon kaysa sa tuhod ko. Ang hirap panoorin yung teammates mo na ganun. Mahirap umupo ng hindi ka nakakatulong. Sobrang nasasaktan na si Coach (Tim Cone) ngayon. Kailangan namin talagang makabawi.”

Hindi nag-ensayo si Pingris sa San Mig mula noong sumakit ang kanyang tuhod sa laro ng San Mig kontra Globalport.

Kahit masakit pa ang kanyang tuhod, idinagdag ni Pingris na sisikapin niyang makagalaw kahit kaunti sa laro ng Coffee Mixers kontra Rain or Shine mamaya.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …