Thursday , November 14 2024

Payo ng DoH vs paputok sundin — Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na sundin ang mga babala ng Department of Health (DOH) na huwag gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Partikular na umapela si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa mga magulang na huwag payagan ang kanilang mga anak na magpaputok at ipinayo na mga alternatibong bagay na lamang na lumilikha rin ng ingay ang gamitin tulad ng torotot at sound systems.

“We throw our support behind the statement issued by the Secretary of Health, Enrique T. Ona: ‘Children should not be allowed to handle fireworks. We can prevent injuries,’” ani Valte.

Giit niya, sa tulong ng publiko, pwedeng mabawasan ang bilang ng mga napinsala ng mga paputok tulad sa kasalukuyang taon na nakapagtala ng mas mababang bilang ng mga biktima kompara noong 2012.

Nagbabala rin si Valte sa mga kagawad ng Philippine National Police (PNP), gayundin sa private gun owners, laban sa walang katuturang pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong taon, dahil mabibisto ito sa hanay ng mga pulis na sinelyohan ng mga opisyal ang kanilang service firearms upang matiyak na gagamitin lang ito sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Tiniyak ni Valte na pananagutin sa batas ang sino mang mapatutunayang responsable sa indiscriminate firing.

(ROSE NOVENARIO)

BIKTIMA NG PAPUTOK STRAY BULLETS, 170 NA

UMAABOT na sa 170 ang bilang ng naitalang mga biktima ng paputok at stray bullets, ilang araw pa bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Department of Health (DoH) Assistant Secretary at Spokesman Dr. Eric Tayag, 164 sa kanilang nai-record ay firecracker related injuries, isa ang nakalunok ng pulbora, habang lima naman ang tinamaan ng ligaw na bala.

Nabatid na 101 sa 164 (62%) na naputukan ay dahil sa ipinagbabawal na piccolo.

Nababahala si Tayag sa patuloy na pagtaas ng bilang ng napuputukan lalo’t wala pa sa peak days nito.

Kung titingnan aniya sa record ng nakaraang mga taon, Disyembre 31 at Enero 1 ang peak days ng naitatalang firecracker injuries, kaya naka-aalarma ang mabilis na pagtaas ng nabibiktima ng paputok sa ganito kaagang panahon.

P1.5-M PAPUTOK KINOMPISKA 10 EMPLEYADO ARESTADO

TINATAYANG aabot sa P1.5 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng mga paputok ang nakompiska ng pulisya makaraang salakayin ang isang pagawaan ng mga nasabing produkto na natuklasang may dalawang taon nang paso ang lisensya.

Ayon sa nakatalang ulat ng pulisya, dakong 11 a.m. kahapon nang salakayin ang

nasabing pabrika sa Sitito Daang Bakala, Brgy. Bunducan, Bocaue, Bulacan, pag-aari ng isang kinilalang si Nenita Opracio na sinasabing mabilis na nakatakas.

Ayon sa report, may dalawang taon nang expired ang lisensya ng naturang pabrika kaya wala na itong karapatang gumawa ng nasabing mga produkto.

Bukod sa nakompiskang mga paputok, dinala rin sa himpilan ng pulisya ang sampung manggagawa ng pabrika upang isailalim sa imbestigasyon.      (DAISY MEDINA)

PAPUTOK BAWAL SA LRT/MRT

MAHIGPIT na ipagbabawal ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa mga mananakay na may dalang anumang uri ng paputok at pailaw sa loob ng kanilang mga istasyon ng tren.

Nagpaalala si LRTA spokesman, Atty. Hernando Cabrera na kasama ang mga paputok at pailaw sa mga “flammable materials/explosives items” na mahigpit na ipinagbabawal ng train system.  (JAJA GARCIA)

Sa pagsalubong sa Bagong taon

MOST DANGEROUS BARANGAY TINUKOY NG DOH

Pinangalanan ng Department of Health (DOH) ang mga “most dangerous barangay” para sa mga nagpapaputok tuwing sasalubungin ang Bagong Taon.

Sa inilabas na listahan ng DOH, sa pamamagitan ng Twitter account ni Assistant Secretary Eric Tayag, inisa-isa nito ang mga barangay at distrito sa Kamaynilaan na may pinakamaraming bilang ng mga biktima ng paputok sa nakalipas na taong 2010 hanggang 2012.

Batay sa listahan ng DoH, ang mga sumusunod na lugar ang dapat tutukan sa Quezon city, gaya ng Batasan Hills, Commonwealth, Holy Spirit, Payatas, Sto. Domingo at Krus na Ligas.

Sa Maynila, tinukoy ang mga lugar ng  District 2 Brgy 147-267 East Tondo, District 1 Brgy 1-146 West Tondo, at District 3 Brgy. 268-394 Binondo-Quiapo-San Nicolas-Sta. Cruz.

Sa Mandaluyong, tinukoy ang mga lugar ng Addition Hills, Hulo, Barangka Drive, Poblacion, San Jose at Plainview.

Sa Valenzuela, nasa listahan ang Hen. T. de Leon, Marulas, Karuhatan, Canumay, Malinta at Parada.

Samantala sa Las Piñas, tinukoy ang Pulang Lupa Uno, BF Int’l Village, Talon Dos, Pulang Lupa Dos at Fajardo.

Sa Marikina, kasama ang Malanday, Concepcion Uno, Parang at Sto. Niño.

Sa Pasig City ay kabilang ang Pinagbuhatan, Bagong Ilog, Pineda, Bambang,San Miguel, Kapasigan, San Joaquin at Kalawaan.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *