Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paragua kampeon sa Gokak Blitz Chess for a Cause

MANILA, Philippines—IDINAGDAG ni Grandmaster (GM) Mark Paragua ang “Chess for a Cause”: 6th Gathering of Knights and Kings Inc ( GOKAK) blitz chess tournament sa kanyang growing list of victories matapos talunin ng former Filipino child prodigy mula Quezon City  si National Master (NM) Alcon John Datu ng Caloocan City sa fifth at final round nitong Biyernes na ginanap sa Ramon Magsaysay Cubao High School (RMCHS) sa Edsa, Cubao, tapat ng Nepa Q-Mart.

Dahil sa natamong tagumpay ni Paragua ay naghatid sa kanya ng 5.0 points, kagaya ng puntos na naitala nina Woman National Master (WNM) Christy Lamiel Bernales ng Quezon City, non-master Rolly Parondo Jr. ng Mandaluyong City at International Master (IM) Jan Emmanuel Garcia ng Manila na kanyang dinaig sa tie break points.

Ang napanalunan nilang cash prizes ay kanilang ido-donate sa Eugene Torre Chess Foundation at Fianchetto Realty Devt Corp. para makapag-ipon  ng funds sa biktima  ng typhoon Yolanda.

“Ito na marahil ang pinaka-meaningful sa lahat ng panalo ko sa chess tournament kasi yung prizes na napanalunan po natin ay malaki ang maitutulong sa mga kababayan natin na nasalanta ng Bagyong Yolanda sa Eastern at Central Visayas,” sabi ni Paragua, incoming sports consultant sa sports office ni Quezon City vice mayor Joy Belmonte kasama si Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. na nasa ilalim na pangangasiwa nina sports head Teddy Lazaro at Ariel Merano.

“Excited na ako makapagturo ng chess sa grass roots level at sa mga kabataan sa Quezon City next year (month of January 2014) sa sports office under QC vice mayor Joy Belmonte.”  Iniuugnay ni Paragua ang kanyang upcoming new job bilang Quezon City sports consultant.

Magkasalo naman sina IM Barlo Nadera ng Cebu at isa pang non-master na si Norvin Gravillo ng Manila sa 5th hanggang 6th places na may tig 4.5 points sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sanctioned tournament.

Nahirang naman na category winners sina NM Elias Lao ng San Juan (top senior), Samson Lim ng Quezon City at Luffe Magdalaga ng General Trias, Cavite (top non masters) at WIM Bernadette Galas ng Makati City ( top women).

Samantala,  tumapos naman si Jester Sistoza ng Makati City ng  5.0 points para magkampeon sa kiddes 14 and under bracket kung saan sumunod naman sina 2nd place John Philip Oncita ng Makati City at 3rd place Dale Bernado ng Angeles City, Pampanga na may tig 4.5 points. Si International Arbiter Gene Poliarco ang nagsilbing chief arbiter habang ang assistant ay sina candidate master Richard dela Cruz at national arbiter Raul Cruz. Si NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales ay isa sa guest honor sa nasabing chessfest.

(M. Bernardino)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …