Friday , November 15 2024

Gayahin ang Davao City, walang biktima ng putok!

TAON TAON na lang, sa pagsalubong sa Bagong Taon, mainit na isyu ang paputok.

Dahil marami ang biktima, mga naputukan – may naputulan ng mga daliri, sunog ang mukha at iba pang parte ng katawan.

May mga nagpapanukalang i-ban na ang paggawa at pagtinda ng malalakas na paputok at kung ano-anong kampanya ng gobyerno na ginagastusan ng daang milyones, pero dehins pa rin umoobra. Putukan pa rin!

Pero bakit sa Davao City, ni isa ay walang nagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon? Zero victim sila sa paputok. Ang dahilan: Mahigpit ang city gov’t ng lungsod. Ang sino mang mahuling nagtitinda at nagpapaputok tiyak kulong, bugbog kay Mayor Duterte!

Yes! Kung kasinghigpit ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang lahat ng alkalde sa bansa, tiyak walang mabibiktima ng paputok at wala na rin gagawa ng mga paputok.

Sayang ang pera na ibinibili ng paputok. Sa halip, ibili na lang ito ng gamit o makakain …

Kaya dear readers, huwag na kayong bumili ng ano mang paputok para sa pagsalubong sa 2014. Itabi n’yo na lang ang perang pambili ng firecrackers para may pera kayo sa Enero 1.

Salubungin natin ang Bagong Taon nang kompleto ang piyesa ng ating katawan at may pera.

Mabuhay!

Paglilinaw ng Maynilad

sa nasagasaang

journalist Ninoy Sofranes

G. Venancio:

Ito po ay tugon sa kolum na “Pulis! Pulis!” kung saan napaloob ang bahaging “Paalam Ninoy Sofranes.”  Ito po ay lumabas sa Police Files Tonite nitong Diyembre 27, 2013.

Ayon sa nasabing artikulo, ang trak na nakabangga kay G. Sofranes sa San Pedro Laguna nitong umaga ng Disyembre 25, at naging sanhi ng kanyang pagkamatay, ay pagmamay-ari diumano ng Maynilad.

Nais po naming ipaalam sa inyo at sa publiko na ang nasabing trak ay hindi pagmamay-ari ng Maynilad.

Ayon sa aming rekord, walang trak ng Maynilad ang bumiyahe noong Disyembre 25 papunta sa San Pedro, Laguna kung saan naganap ang insidente.

Samantala, ayon sa balitang lumabas sa ibang pahayagan kamakailan, ang trak na nakabangga kay G. Sofranes ay pagmamay-ari ng ibang water company. Marahil ito ang dahilan sa maling pagkakakilanlan sa Maynilad.

Nawa’y nakapagbigay-linaw ang naibahagi naming impormasyon. Nais na rin naming samantalahin ang pagkakataong ito para makiramay sa pamilya ni G. Sofranes.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Cherubim O. Mojica

Pinuno,

Corporate Communications

Bagsakan ng ‘sako farm’

sa Caloocan City

– Mr. Venancio, dito po sa 4th Avenue Laon Laan st., Caloocan City, dito po ang bagsakan ng mga nakaw na manok kung tawagin nila ay “sako farm” lahat ng klase. – Concerned ctize

Reklamo para

kay Caloocan City

Mayor Oca Malapitan

– Mr. Venancio, paki-parating po sa kaalaman ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan na sapul nang iayos nila ang bangketa sa palengke ng Brgy. 176 ay tila mas tumindi pa ang trapik at ang kalsada vendors na lahat, ang mga motor wala naring madaanan. Mukhang malakihan ata ang lagay sa mga tao ni Mayor Oca. Pati mga moros na nakapatay ng isang Kristiyano sa palengke ng Phase 1 sa Brgy. 176 sinisigaw pa malaki ang binigay nilang  padulas sa mga tao ni Mayor. At nakalulungkot din po pati ang bagong upong Kapitan dito wala ring ginagawa. Kelan pa kaya kami makakatagpo ng action man sa Caloocan? – 09475877…

Adik na bus driver

at tulak na tricyle drivers

– Mr. Venancio, report ko itong mga driver ng bus dito sa  Candon Bus Line dito sa Rizal Avenue kanto ng Doroteo Jose, karamihan po mga adik laluna itong nagngangalang “Alex” at “Bato” ang lakas nila gumamit ng shabu. Tulak po mga tricycle driver na sila “Taba” at “Rolly”. Dati rin pong tricycle driver ang asawa ko yun madalas nilang utusan. Kaya ko po ito ini-report sa inyo dahil kawawa naman ang mga pasahero pag nadisgrasya sa mga driver na adik. Paano kaya nakalulusot ang mga ito sa LTO kapag nagre-new ng lisensya? Dapat ipa-drug test mismo ng Candon Bus Line ang kanilang drivers. Salamat po. Huwag nyo ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *