PARA sa pagdiriwang ng kaarawan ni Dr. Jose Rizal bukas (Disyembre 30), ipinaalala ng Malacañang na bawal daw ang sabong, karera, at jai-alai.
Wala namang masama sa PAALALA na ito ng Palasyo na sinabi kamakalawa ni Usec. Abigail Valte… ‘yun ‘e kung ‘CONSISTENT’ sila.
Bawal ang sabong, karera at jai-alai … e how about CASINO?
Lotto at iba pang amusement centers na mayroong games of chance?
Hehehehe … pinatatawa naman talaga tayo ng Malacañang.
Sana bago sila nagsasalita o naglalabas ng mga ganitong memorandum, ‘e pag-aralan muna nilang mabuti.
Selective ba ang pagbabawal ng Malacañang?!
‘E malinaw na SUGAL din ang Casino ‘di ba!? Lisensiyado nga lang dahil rehistrado at nagbubuwis sila sa gobyerno pero essentially, sugal pa rin.
Kung nagdiin ang palasyo sa kanilang paalala na gunitain o ituro sa mga kabataan ang kabayanihan ni Rizal baka marami pa ang natuwa sa kanila.
Pero itong pagbabawal na magsabong, tumaya sa karera (ng kabayo) at jai-alai, ‘e isang uri ng aksyon na walang kinalaman sa paggunita sa kabayanihan ng ating mga bayani.
Kung ang pagsasabong, pagtaya sa karera at jai-alai ay nakababatik sa ating mga bayani, ‘e bakit hindi na lang ipagbawal nang tuluyan ng gobyerno ‘yang iba’t ibang uri ng sugal?
Pati na ang mga Casino, ipagbawal na rin.
Ganoon din ang KTV/bars na may operasyon ng bentahan ng ‘laman.’
O ‘di ba!?
Hindi iyang, SELECTIVE pa ang mga pagbabawal ninyo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com