Monday , December 23 2024

Bagong amo (PNP), bagong bagman?

00 Bulabugin JSY

GANYAN ba talaga ang KALAKALAN ‘este’ KALAKARAN pa rin sa Philippine National Police (PNP)?!

Kapag itinalaga ang mga bagong HEPE sa isang yunit o dibisyon ‘e nagbabagong-anyo rin ang mga BAGMAN?!

E ang bulong nga sa atin ng mga susukot-sukot na hindi man lang uminit ang mga puwet, meron na raw umiikot na bagman si Gen. Benjamin Magalong Director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

‘Yan daw ang nagpapakilalang SGT. UNGAS ‘este’ UNAMIS alyas OMAR na siyang mangongolektong sa pangkalahatan para sa CIDG.

Sa PNP-NCRPO naman, bibit ng isang alyas  Marcelo ang pangalan ni NCRPO chief, Gen. Carmelo Valmoria, kakontsaba ang isang alias SGT. LUMBA alyas Fred Tisoy sa kolektong sa NCR.

Habang ang pangalan naman ni Gen. Charles Calima ng DI ay kinakaladkad ng isang alyas Dodong at Sgt. Cruz alyas  Arnel.

Imbes na tuwid na daan ‘e dating daan pa rin ba talaga ang PNP?!

PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima, wala na ba talagang paraan para malinis sa kailegalan ang PNP?!

Hindi na tayo nagtataka kung bakit maraming pulis ang itinutumba kung ganyan nang ganyan ang kanilang sistema.

‘Walis-walis’ din ng mga police scalawag kapag may time ka GEN. PURISIMA!

DOUBLE STANDARD MEMORANDUM NG MALACAÑANG

PARA sa pagdiriwang ng kaarawan ni Dr. Jose Rizal bukas (Disyembre 30), ipinaalala ng Malacañang na bawal daw ang sabong, karera, at jai-alai.

Wala namang masama sa PAALALA na ito ng Palasyo na sinabi kamakalawa ni Usec. Abigail Valte… ‘yun ‘e kung ‘CONSISTENT’ sila.

Bawal ang sabong, karera at jai-alai … e how about CASINO?

Lotto at iba pang amusement centers na mayroong games of chance?

Hehehehe … pinatatawa naman talaga tayo ng Malacañang.

Sana bago sila nagsasalita o naglalabas ng mga ganitong memorandum, ‘e pag-aralan muna nilang mabuti.

Selective ba ang pagbabawal ng Malacañang?!

‘E malinaw na SUGAL din ang Casino ‘di ba!? Lisensiyado nga lang dahil rehistrado at nagbubuwis sila sa gobyerno pero essentially, sugal pa rin.

Kung nagdiin ang palasyo sa kanilang paalala na gunitain o ituro sa mga kabataan ang kabayanihan ni Rizal baka marami pa ang natuwa sa kanila.

Pero itong pagbabawal na magsabong, tumaya sa karera (ng kabayo) at jai-alai, ‘e isang uri ng aksyon na walang kinalaman sa paggunita sa kabayanihan ng ating mga bayani.

Kung ang pagsasabong, pagtaya sa karera at jai-alai ay nakababatik sa ating mga bayani, ‘e bakit hindi na lang ipagbawal nang tuluyan ng gobyerno ‘yang iba’t ibang uri ng sugal?

Pati na ang mga Casino, ipagbawal na rin.

Ganoon din ang KTV/bars na may operasyon ng bentahan ng ‘laman.’

O ‘di ba!?

Hindi iyang, SELECTIVE pa ang mga pagbabawal ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *