Sunday , December 22 2024

Walang malas na taon…

APAT na araw na lang, magpapaalam na ang taong 2013.

Kamusta naman po ang inyong buong taon, naging mapagpala ba? Liglig at umapaw ba ang blessings sa inyong pamilya? May naitulong ba ang pagpapaputok niyo noong sa pagsalubong ng 2013? Sinasabing kasi na suwerte daw ang magpapaputok sa pagsalubong ng bagong taon. Ha! Kailan pa nangyari iyon?

Bakit kaya ang blessings ang pag-usapan, maraming nagsasabing hindi sila suwerte sa taong ito. Katunayan ay hindi lamang ko ngayon ito narinig kundi palagi. Kesyo, hirap daw ang buhay sa 2013 kumpara sa 2012. Kesyo kung ano-anong keso, este kesyo.

Ang ganitong katuwiran ay nagpapatunay na ang bawat tao ay walang kasiyahan sa buhay. Ang lahat ay isinisisi sa kung ano-ano ang kanilang kalagayan pero hindi tinitingnan kung nagsumikap nga ba sila sa taong ito o umasa lang sa pagpapaputok na sinasabing suwerte daw.

Nakatatawa nga rin itong ilang kasamahan sa hanapbuhay. Katuwiran nila ay malas din daw ang Paskong ito. Ha! Kailan pa naging mala sang Pasko? Magpasalamat nga tayo at may pasko dahil kung wala, malamang na hanggang ngayon ay nasa kadiliman pa ang sanlibutan.

Malas daw ang Pasko dahil kakaunti ang kanilang napamaskuhan sa ilang ahensya ng pamahalaan o ilang kaibigan daw nila ay kinokoberan sa buong 2013. Ano, dahil lang dun sa malas na ang 2013.

Nakalulungkot ang mga baluktot na katuwiran ng mga nakararami – yes, pulos pangsarili ang kanilang iniisip. Kaysa magpasalamat sa kung ano ang meron sila para sa taong 2013, hayun dahil sa kasakiman ay tila’y sinisisi nila ang buong taon na gawa ng Diyos.

Ano pa man, wala pong malas na taon, ang lahat ng taong nagdaan ay mula sa Poong Maykapal.

Hindi po ba isang malaking pagpapala ang buhay ka pa rin hanggang ngayon – ang araw-araw na pagising mo sa umaga ay isang malaking pagpapala na po iyon, ang araw-araw na may pagkain sa hapag kainan mo kahit pa sabihin ng iba na isang beses lang sila kumakain sa loob ng isang araw – ito po ay isa  ring malaking pagpapala.

Ang walang naospital sa inyo, ang kayong buong pamilya sa buo pa rin – sama-sama together pa rin hanggang ngayon. Hindi ba malaking pagpapala iyon?

Ano pa? Marami pang dapat na banggitin na pagpapala subalit ating isa-isahin dito ay hindi sapat ang espasyo ng kolum na ito o di kaya ang bawat pahina ng buong pahayagang ito.

Kaya, wala pong malas na taon na mula sa Diyos. Kung sinasabi niyong naghihirap kayo ngayon. Aba’y tanungin niyo ang inyong sarili kung bakit? Nagsumikap ka ba? Oo, nasa Diyos nga ang awa pero, nasa iyo ang gawa mga kapatid.Bukod dito, tanungin din natin ang ating sarili kung bakit sa kabila din ng pagsumikap ay hindi nakamtam ang isang bagay na ninais para sa taong ito. Teka, natanong mo ba sa iyong sarili kung ang ninais mong  iyong ay talagang kailangan mo na ngayon?

Bukod dito, hiniling at inilapit mo ba sa  Diyos ang ninais mo? Inilapit mo ba ito sa kanya? Maaring inilapit mo sa Kanya pero walang kasagutan ang inyong panalangin. Teka, kung sakali hindi mo nakamtam nga ito, marahil tingnan mo rin ang relasyon mo sa Poong Maylikha? Ang personal relationship mo sa Diyos.

Kaya, inuulit ko po mga suki, wala pong malas na taon na gawa ng Diyos.

Sabi nga sa book of Mathew 6:33 “Seek First His Kingdom at His Righteousness, And All These Things Will Be Given To You As Well.”

Happy New Year.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *