Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Urbiztondo pakakawalan ng Ginebra

BALAK ng Barangay Ginebra San Miguel na pakawalan na ang back up point guard na si Josh Urbiztondo.

Isang source ng Gin Kings ang nagsabing ipapasa  nila si Urbiztondo sa Air21 na kailangan ng point guard para makatulong si Wynne Arboleda.

Marami nang mga point guards ang Ginebra tulad nina LA Tenorio, Jayjay Helterbrand at Emman Monfort kaya kailangan nilang alisin si Urbiztondo na kinuha ng Kings mula sa Barako Bull noong PBA Commissioner’s Cup.

Dating naglaro si Urbiztondo sa Burger King, Sta. Lucia Realty at San Mig Coffee.

Sa ngayon ay ginagamit ni Air21 coach Franz Pumaren si Joseph Yeo bilang point guard at gumawa siya ng triple double na 19 puntos, 10 rebounds at 14 assists sa huling panalo ng Express kontra Globalport noong araw ng Pasko.

Hindi pa sumasagot ang Air21 tungkol sa trade at kung sino ang kukunin nila kapalit ni Urbiztondo.

Ni JAMES TY III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …