Sunday , December 22 2024

Pagbibigay ng saya sa kapos-palad

PARA sa marami ay hindi raw halos maramdaman ang nagdaang Pasko dahil sa hirap ng buhay, at sa mga damuhong kalamidad na humagupit sa ilang bahagi ng ating bansa.

Sa kabila nito, ang mga survivor ng super-bagyong Yolanda sa Tacloban ay hindi napigilang magdiwang ng Pasko sa mga gumuho nilang kabahayan. May nagsalu-salo sa noodles at tinapay sa kanilang noche buena, at may nagtayo pa ng Christmas trees sa lansangan.

Ang United Nations World Food Program ay nagbigay ng P1,300 sa higit-kumulang 18,000 na pinakamahirap na pamilya sa Tacloban at karatig na mga lugar bago mag-Pasko upang magastos sa kanilang pagbangon sa trahedya. At marami pang tulong na darating sa mga susunod na buwan sa patuloy na pagdamay ng UN sa ating mga kababayan.

Kahit binigyan ng isang araw na break sa araw ng Pasko ay maraming Pinoy at foreign relief workers ng UN at ibang ka-partner nilang ahensya ang nagdesisyong mamalagi sa Eastern Visayas at damayan ang mga biktima ng bagyo.

Sa panahon ng matinding pangangailangan nakikilala kung sino ang tunay na mga kaibigan, mga mare at pare ko. Maging si Pres. Noynoy Aquino ay hindi nag-aatubiling tumulong kapag may bansang tinamaan ng kalamidad.

Dapat maunawaan ng lahat na kapag gumawa ka ng mabuti sa kapwa ay makaaasang aani ka ng biyaya, kapayapaan at kasaganaan.

Ito ang tinatawag na “law of cause and effect.”

Tandaan!

***

SA Maynila ay nagdulot na kasiyahan sa mga mahihirap sa Delpan, Baseco, Hapilan at ibang lugar sa Tondo ang pamasko ni MPD Station 11 Juan Luna PCP Chief Insp. Brendo Macapaz.

Biglang kumislap ang mga mata ng mga pamilya nang dumalaw sa kanila si Macapaz na kasama si SPO4 Julio Toledo at iba pa niyang mga operatiba. Namahagi sila ng mga balutang naglalaman ng tigatlong kilo ng bigas, na may kasamang sardinas at noodles sa 1,000 pamilya.

“Pinili namin iyong pinakamahihirap sa kani-kanilang lugar at binigyan sila ng pamasko.

Taun-taon ko nang ginagawa ito bilang panata sa mga kapos-palad,” pahayag ni Macapaz.

Napag-alaman natin na ito ay pangsiyam na taon na niya ng pamamahagi ng biyaya tuwing sumasapit ang Pasko. Sa ating pagkakaalam ay siya lang ang tanging pulis na gumagawa nito taun-taon. Dinaig pa niya ang ibang mga opisyal ng bayan, lalo na iyong mga nagtatapon ng milyones sa casino pero hindi man lang naaalala ang mga maralita sa panahon ng kapaskuhan.

Tatlong taon na ang nakalilipas ay bumuo rin siya ng grupo ng pulis na nangangaroling.

Ang pagkakaiba nga lang sa ibang carolers na nagbabahay-bahay sa mayayaman, ang kinantahan nina Macapaz ng Christmas songs ay ang mga mahihirap na halos sa lansangan na natutulog.

Nagtaka ang mga maralita dahil wala naman silang maibibigay na pera. Laking gulat nila nang makitang sina Macapaz pa ang nagbigay sa kanila ng mga regalo at makakain sa Pasko.

Si Macapaz ang klase ng pulis na mabagsik sa paghuli ng mga pusakal, mga mare at pare ko, pero malambot ang puso sa mahihirap na kanyang pinasasaya sa tuwing kapaskuhan.

Palakpakan!

Ruther D. Batuigas

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *