Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Minura si Father 3 senglot arestado

KULONG ang tatlong walang galang at pasaway na kelot makaraang pagmumurahin ang isang pari  sa loob ng simbahan sa Caloocan City kahapon  ng madaling araw.

Kasong trespass to dwelling at threat ang kinakaharap ng mga suspek na sina Junior Gonzales at Martin Osaya, na kapwa 21-anyos at Ryan del Mundo, 23-anyos, pawang residente ng Laong-Laan St., Maypajo.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng Saint Joseph Church sa kahabaan  ng Doña Rita St.

Nabatid na lasing ang tatlong suspek nang pumasok sa simbahan subalit nang makita ng pari na si Father Egar Guatero ay sinabihan sila na lumabas.

Dito nagalit ang mga suspek at pinagtulungang pagsalitaan nang masama ang pari dahilan upang tumawag sa pulisya at ipaaresto ang mga pasaway.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …