Good morning po Señor H,
bakit po ba palagi akong nananaginip ng may naiiwan ako na bag pagkatapos naming magfieldtrip? Ano po ba ibig sabihin nito? Si rachelle po ito ng Q.C. Please don’t publish my #.
To Rachelle,
Kapag nakakita ng bag sa iyong panaginip, ito ay nagre-represent ng responsibilidad na dala-dala mo sa iyong buhay. Kung sira ang bag, may kinalaman ito sa mga pasanin sa buhay. Ang simbolong ito ay maaaring metaphor din para sa old bag na nagsasaad ng isang tao na matanda na. Kung ang bag sa panaginip mo ay pulos basura, ito ay sumisimbolo sa iyong mga alalahanin at problema sa buhay na kailangang makahanap ka ng paraan upang maialis o maitapon ang mga basurang ito na nagiging pabigat sa iyong buhay.
Ang fieldtrip sa bungang-tulog ay nagsasaad na kailangan mong isama sa iyong buhay ang mga natutunan o mga eksperyensiyang pinagdaanan sa paglalakbay mo sa iyong buhay. Ang ganitong panaginip ay nagre-represent ng transitional phase sa iyong buhay. Isaalang-alang din kung ano ang nakita at naramdaman habang nasa fieldtrip ka dahil may koneksiyon ito sa ibig na ipahiwatig ng iyong panaginip, kung maganda o kapaki-paki-nabang ang eksperyensiya mo sa iyong fieldtrip, maaaring maging repleksiyon ito ng kapalaran mong paparating.
Señor H.