Friday , November 15 2024

Kailan pa kaya magkakaroon ang Pinoy ng matinong gobyerno?

ISANG totoong pangulo na tunay na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kapakanan ng sambayanang Filipino, at hindi sa kuarta ng ba-yan nagmamahal. Isang pangulo ng Filipinas, na tunay na makatao,makabayan at maka-Diyos, bilang public servant.

P-noy, nakahahalintulad ka rin ba ng tatlong demonyong naging pangulo na sinundan mo? Ang tatlong demons na may malaking kontribus-yon sa sobrang paghihikahos ng sambayanang Filipino. Unahin po natin bayan ang dating pekeng pangulo ng Filipinas na si Gloria ‘pandak’ Arroyo sa kanyang malalaking utang inang ‘yan sa taumbayan. Dapat pagbayaran ngayon, bukas at sa hinaharap. Ang hindi mabilang at talamak na kawalanghiyaan at mga eskandalo sa bayan na hindi naresolba hanggang ngayon ka-tulad ng mga sumusunod.

Mga kontrobersyal na isyu sa Hello Garci dayaan blues 2004 presidential election, North Rail project scam, Diosdado Macapagal Blvd. highway scandal, Joc-joc Bolante P729-million ferti-lizer scam, P1.4 billion NGO peace bond ni Camacho, IMPSA-CBK anomalous deal ni Nani Perez, Jose Pidal Caper, hundreds of unsolved extrajudicial killings at ang ZTE-NBN scam, atbp mga higanteng anomalya ng dating anay queen ng palasyo.

Mga utang sa sambayanan ni Ramos

Si FVR ang sumira ng kasaysayan ng Filipinas. Kasama si Pandak at si Asyung Salungga po rito. Bakit kanyo bayan? Tinalo at nalampasan ng tatlong tarantadong mandarambong ang record ng mga kawalanghiyaan ng diktaturyang Marcos.

Walang katahimikan ang politika sa Filipinas, hangga’t nandyan at bumabalandra sa pagna-nakaw ng eksena ang makapal na pagmumukha na si Erap, Ramos at Pandak. Mga sangkatutak na mga pandarambong na pinaggagawa ni Tabako sa panahon ng rehimen n’ya. Feeling pa rin kasi ng tarantadong si Fidel, ‘e presidente pa rin s’ya ng Filipinas. Ulol! Unahin si FVR at isa-isahin po natin ang mga garapalan at katarantadohan at mga kawalanghiyaan ni Tabako sa bayan.

Ang null and void ng Korte Suprema na PEA- AMARI deal. Pasok ang kasong plunder sa deal. The crime had been committed. Bakit hindi kinasuhan ng pandarambong ang hinayupak na si FVR?

Narito po ang mga kawalanghiyaan ni Tabako sa sambayanang Filipino. Mantakin po ninyo, siya ang pangulo noon at nag-apruba ng expo-scam. ang nasirang pobreng VP Doy Laurel ang kinasuhan sa korte. Mga dating pag-aari ng gob-yerno na ibinenta ni Ramos, katulad ng ilang ektaryang lupain na kinatayuan ng maanomalyang bentahan ng gov’t land sa Filinvest, Festival Mall, atbp,na dati’y pag-aari ng Bureau of Animal Industry. Inabolis din ni tabako ang opsf na mala-king tulong sana sa mga pobreng Pinoy, kapag may oil price hike, ang 39 maanomalyang independent power producers o IPP na pinirmahan ni Ramos, cory at ng convicted plunderer Joseph Ejercito Estrada. Take or pay, may koryente man o wala, binabayaran ng sambayanang Filipino. ilang milyong dolyares ang nakomisyon mo FVR dito? Ang petron ibinenta din ni Ramos, putang inang yan! Pwe!

Ibinenta ni Tabako ang fort bonifacio, para daw kuno sa AFP modernazation. Naging mo-derno ba bayan ang hanggang sa ngayo’y pobreng AFP? Never, ang buhay ni FVR ang naging moderno. Nariyan ang Harbor Center ni Romero. pawang mga pansariling interest ang naghahari sa dating tarantadong hambog na pangulo na si Ramos. Imbes ibinenta ang Fort Bonifacio, sana’y ginawa na lang moderno at primera klase na international airport ng Filipinas. Super sikat pa ang bansa natin ngayon at nakinabang pang totoo ang sambayanang Filipino. Hindi ang bulsa ni Tabako et’al.

Sobrang naging ganid si Fidel V. Ramos,  sa pagmamahal sa kuarta ng taumbayan.

Bakit 46 ang kampo ng MILF?

Dahilan sa kahambugan ni Fidel Valdez Ramos. @#$%^&*()!yan. Sa paghahangad noon ni Ramos na makamit ang Nobel Peace Prize, pinayagan ni Tabako ang mga teroristang muslim, and MNLF na magtayo ng kanilang mga sariling kampo, na umabot sa 46 training camp. Mga bandidong terorista, kalaban ng gobyerno, pinahintulutan ng isang pangulo gaya ni FVR na magtayo ng mga kampo na mas mahigit pa sa bilang ng kampo ng AFP.  Hambog!

Ang daming pag-aari ng sambayanang Filipino na ibinenta ni FVR na sila lang ni Garfield JDV ang nakinabang. Hindi ang pobreng taumbayan. Isa na rito ang kontrobersyal na PEA-amari deal na null & void ng korte suprema.

Nakasasawa nang ulit-ulitin ang mga kawalanghiyaan pinaggagawa ni Tabako. noong panahon ng kanyang rehimen. Ikaw at si Pandak, at si Asyung Salungga ang dapat sunugin ang buhay ng taong bayan. Dahil sa mga utang inang ninyo sa sambayanang Filipino.

Kung totoong nauwi nga ang P38-bilyon piso na pinagbentahan ng Fort Bonifacio para raw kuno sa modernazation ng AFP,  ani tabako noon, hindi na marahil bibili ng second hand na armas ang AFP. Katulad ng mortar na supot kaya nagmintis noon na siyang dahilan kaya brutal na napatay ng mga @#$%^&*()! MILF at Abu Sayyaf ang mga pobreng Marines na ang sampu rito ay parang hayup na pinutulan pa ng ulo at bayag. Ito ba ang modernization ramos? @#$%^&*()!

Mantakin mo, sa junk shop binibili noon ang mga armas ng AFP, samantala ang dami nang naging milyonaryong heneral, katas ng giyera sa Mindanao. ‘E ‘di lalo na ang buhay at kabuhayan ng pamilya ni Ramos. Sila ang naging mo-derno ang buhay, hindi ang modernization ng ating Armed Forces of the Philippines, tarantado ka FVR!

balik-tanaw ng kontra salot

tuloy noong taong 2003, nang ipinangangalandakan ni Gloria ‘Pandak’ Arroyo sa kanyang mensahe noong ika-43 anibersaryo ng Aglipayan church na hindi niya papayagang hindi makasuhan ng kasong pandarambong ang tarantadong dating rehimen Fidel Valdez Ramos.

Batay ito sa desisyon na ibinaba ng Korte Suprema na null and void ang lahat ng maano-malyang kontrata ng PEA-AMARI deal. Pinamunuan ito ni Ramos at ni Garfield Joe  doe Venecia. Jr. So, PEA toll-gate sa coastal road, na patuloy na naniningil hanggang ngayon ay illegal pangulong noynoy aquino. Asap na  noon pa man  ay dapat nang itigil ang paniningil ng peatc sa toll gate ng coastal road.

Pinaghambugan kaagad ni Atty. Ignacio Bunye, Jr., noong tao Mayo 8, 2003, na may kautusan na raw si Pandak na agad kasuhan ng plunder case ang dalawang mandarambong.

Kinabukasan Mayo 9, 2003, biglang kumambio ang madakdak na si Tiglao at sinabing napakaaga pa raw para kasuhan ang dalawang ubod ng mandurugas ng bansang Filipinas.

2003 nangyari ang sigaw at kontra sigaw, nina Bunye at Tiglao sa Palasyo. 2013 na po ngayon. Patuloy na namamayagpag ang dalawang plunderer na si behest loan at si Fidel Valdez Ramos. sobra ang mga utang sa bayan na dapat pagbayaran ni Ramos at ni taingang-daga sa sambayanang Filipino. Putang Ina!

Abner Afuang

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *