Friday , November 22 2024

Kagat ng lamok sa araw iwasan

NAGBABALA ang woman business executive sa publiko na mag-ingat sa lamok na kumakagat sa araw sa gitna ng pangamba ng Department of Health (DoH) na maaaring dumanas ang bansa ng mas matinding dengue outbreak ngayon taon kung hindi aaksyon agad ang publiko laban sa pagkalat ng mga lamok.

Ayon kay Ruth C. Atienza, chief executive officer ng Mapecon Philippines, Inc., ang foremost authority on pest control sa bansa, ang dengue ay dulot ng Aedes Aegypti mosquitoes na kumakagat sa araw.

Nagbabala ang DoH na posibleng dumanas ang bansa ng matinding krisis dahil sa sakit na dengue ma-liban na lamang kung ipatu-tupad ng local authorities ang matinding pag-iingat dito. Sa ngayon pa lamang, ayon sa ipinalabas na ulat ng DoH, mayroon nang 13,281 dengue cases mula Enero hanggang Pebrero pa lamang at halos 28 porsyento nito ay sa Metro Manila.

Ang Mapecon, ayon kay Ms. Atienza, ay nakikiisa sa DoH sa kampanya laban sa pagkalat ng mga lamok ngunit idiniing ang pagsasagawa ng aerial spraying o fogging ng local authorities ay hindi sagot sa suliranin sa lamok. Sa katunayan aniya, ito ay pagsasayang lamang ng public funds. Ang aerial spraying  aniya, ay hindi epektibo sa airborne mosquitoes dahil itinataboy lamang ng prosesong ito ang mga lamok.

Ang pinakaepektibo aniyang paraan para masugpo ang lamok ay ang pag-spray sa pinamumugaran nito katulad ng stagnant water, partikular na sa mga estero. Ito aniya ang pinaka-epektibong paraan sa pagsugpo sa larvae bago pa sila maging lamok.

Sinabi ni Ms. Atienza, ang Mapecon ay mayroong “ready to use” na pest control products katulad ng Big RTU with sprayer para sa lumilipad na mga insekto. Mayroon din itong NORO pellets para sa mga ipis, F3 para sa mga langgam at anay, at EZP para sa mga daga.                          (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *