ALARMADO na ang Department of Health (DoH) sa patuloy na tumataas na bilang ng mga tinamaan ng stray bullet o ligaw na bala.
Ayon kay Health Sec. Enrique Ona, mas domoble pa ang naitalang kaso ngayon kung ikukompara sa nakaraang taon.
Muli namang nanawagan si Ona sa gun owners na maging responsable at iwasan na ang pagpapaputok ng kanilang baril ngayong holiday season.
Maalala na noong nakaraang taon, namatay sa tama ng ligaw na bala ang 7-anyos na si Stephanie Nicole Ella mula sa Caloocan City.
Hanggang sa ngayon ay nananawagan pa rin ng hustisya ang pamilya ni Ella.
Samantala, limang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon, lalo pang lomobo ang bilang ng mga nabiktima ng paputok.
Mula sa 77 kahapon, umakyat na ngayon sa 140 ang naitatalang mga biktima.
Ayon kay Health Assistant Secretary at National Epidemiology Center (NEC) director Dr. Eric Tayag, nasa 134 na ang biktima ng fireworks-related incident habang 52 percent naman ay biktima ng picollo.
Sinabi ni Dr. Tayag na ang nasabing bilang ay simula noong Disyembre 21 hanggang 6 a.m. kahapon. (HNT)