PATULOY sa paglobo ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng super typhoon Yolanda na tumama sa Visayas region at iba pang lugar.
Sa latest death toll ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 6,111 ang opisyal na bilang ng mga namatay.
Karamihan sa casualties ay nagmula sa Eastern Visayas na umaabot na sa 5,755.
Pinakamarami rito ay sa Leyte na nasa 5,260, ang 265 dito ay nagmula sa Eastern Samar, 224 sa Samar at anim naman sa Biliran.
Samantala sa Tacloban, tinatayang nasa halos 2,500 bangkay ang hindi pa nakikilala.