ANG Black obsidian ay may aura ng absolute mystery. Ang enerhiya nito ay banayad ngunit malalim, kaya naman ang black obsidian ay powerful.
Ang black obsidian crystal balls, gayundin ang black obsidian polished mirrors, ay ginagamit sa iba’t ibang kultura para sa deep healing purposes. Ang highly reflective black color ng obsidian at ang smooth water-like surface nito at ang volcanic origin ay maaaring makapagdulot ng powerful transformation sa mga taong batid kung paano ito gagamitin.
Kadalasang tinatawag na ‘bato ng katotohanan,’ ang black obsidian ay maaa-ring magbunyag ng mga lihim at misteryo, sa inner world ng tao na nakikipagkonekta sa obsidian, gayundin tungkol sa inner workings ng cosmos.
Ang katalasan ng black obsidian ay itinuturing na physical property at gina-gamit sa iba’t ibang tools sa paghiwa ng bagay (blades, arrows, etc). Ang katalasan ng black obsidian ay itinuturing din bilang metaphysical property. Ang po-werful stone na ito ay nakatutulong sa pag-hiwa ng ilusyon, kasinungalingan, nakatatakot na harang at mga sagabal.
Maraming impormasyon na maaa-ring maibunyag ng obsidian sa pama-magitan ng intensity ng truthful energy nito.
Sa perpektong black color nito, lalabas ang kadiliman na humaharang sa liwanag ng ano mang sitwasyon o tao. Ito ang dahilan kung bakit ang black obsidian ay mainam gamitin nang mai-ngat, lalo na ang black obsidian spheres.
Ang isa pang katangian ng black obsidian ay ang kakayahan nito sa pagsipsip sa negative energy, kaya mapoprotektahan ang nagsusuot o ang kapaligiran kung saan ito inilagay.
Bunsod nito, ang black obsidian ay maaaring gamitin bilang proteksyon sa pamamagitan ng iba’t ibang palamuti sa katawan katulad ng alahas, gayundin sa maraming erya ng bahay.
Ang obsidian ay mula sa mabilis lumamig na volcanic lava, kaya ito ay may potent energy ng inter-aksyon ng ilang powerful elements – fire, earth and water.
lady Choi