Sunday , December 22 2024

2 kinatawan ng Senior Citizens, naupo nang ‘di naipoproklama

Kinondena ng isang grupo ng Senior Citizens ang dalawang nominado nila sa Party-List na umaakto na bilang mga kongresista kahit hindi pa naipoproklama ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay dating Fede-ration of Senior Citizens Association of the Philippines (Fescap) president George Cabanal, nabatid nilang nag-oopisina na sa House of Representatives ang mga kinatawan ng Coa-lition of Association of Senior Citizens in the Philippines na sina dating Rep. Godofredo Arquiza, Jr., at Francisco Datol, Jr., kahit hindi pa sila opisyal na naipoproklama ng Comelec.

Nakompirma na may “Solomonic decision” ang Comelec na iproklama sina Arquiza at Datol na kapwa first nominees ng magkahiwalay na paksiyon ng Senior Citizens Party-list ngunit hindi pa sila naipoproklama dahil may kasunduang da-pat lagdaan ang dalawang kakatawan sa nakatatanda sa buong Filipinas.

“Totoong mayroon nang resolusyon para iproklama sina Arquiza at Datol pero wala pa silang proclamation papers mula sa Comelec kaya bakit inokupahan na nila ang kanilang opisina sa Batasang Pambansa?” tanong ni Cabanal.

“Alam ba ito ni Speaker Feliciano Belmonte?”

Idinagdag niya na gu-magamit na rin ng plakang may numero 8 sa kanilang sasakyan si Arquiza pati ang apat na anak gayondin si Datol kaya dapat magpaliwa-nag ang dalawang kinatawan ng nakatatanda sa Comelec.

“Totoong bago nag-abroad ay ipinatawag ni Chairman Sixto Brillantes sina Arquiza at Datol nitong Disyembre 2, pinag-ayos para sila ang iproklama sa bakanteng puwesto sa Kongreso,” ani Cabanal.

“Pero bakit hindi pa nanunumpa ay nag-oopisina na sila kapwa sa Kongreso at nagkabit na ng numero 8 sa plaka ng kanilang mga sasakyan?

Nagtatanong lamang po kami kay Brillantes kasi lumalabas  na  bogus  ang aming mga kinatawan.”

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *