Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bata sugatan sa boga

ZAMBOANGA CITY – Nilalapatan ng lunas sa isang ospital sa Pagadian City ang magkapatid na dalawang bata matapos tamaan ng ligaw na bala sa pamamaril ng hindi nakikilalang mga suspek sa Purok Kapalaran, Barangay District.

Batay sa ulat ng Pagadian City police station, dakong 8 p.m. habang naghihintay ng masasakyang tricycle ang magkapatid na biktima kasama ang kanilang mga magulang nang biglang lumitaw ang nasa tatlong hindi nakilalang mga suspek at biglang binaril ang isang lalaki na kinilalang si Pakoy Glimada ngunit nakatakbo kaya hindi natamaan ng bala.

Kahit tumatakbo na si Glimada ay patuloy siyang binabaril ng mga suspek kaya minalas na tinamaan ang dalawang bata na noon ay nakatayo sa gilid ng kalsada.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, isang araw bago nangyari ang pamamaril, nakipagsuntukan si Glimada sa nakaaway niyang grupo na pinaniniwalaang may kagagawan sa nasabing insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …