Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tsekwang casino player timbog sa bala, baril at droga

122713_FRONT
Arestado ang isang Chinese national dahil sa pagdadala ng sangkaterbang baril, bala, granada at isang sachet na shabu sa isang casino sa Pasay City, Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Pasay City Police Chief S/Supt. Florencio Ortilla ang suspek sa pamamagitan ng nakuhang identification card, na si Jerry Sy, 42, negos-yante,  ng 48 Fugoso Street, Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat ni SPO3 Rodolfo Suquina, Jr., ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), dakong 1:15 ng madaling araw nangyari ang insidente  nang nagkagulo sa Aquino Joint ng Resorts World, makaraang habulin ng saksak ni Sy ang isang Fil-Chinese na kinilalang si Joseph Ang, 58, casino agent ng Ringson’s International Office, nasa ikalawang palapag ng Resorts World Casino, Villamor, Pasay city.

Sa pahayag ni Sy, pinuntahan niya si Ang para tubusin ang kanyang isinanlang relo sa halagang P50,000.

Pero sinabi ni Ang na wala na ang relo na ikinairita naman ni Sy na humantong sa pagtatalo ang dalawa hanggang magkasakitan at magha-bulan ng sasakyan.

Nang inspeksyonin ang kotse  (Honda Accord DL 5101) na dala ng suspek, tumambad sa mga pulis ang limang baril, dalawang anti-riot smoke grenade, tatlong hand grenade, isang electrical traser gun, maraming bala, martilyo, palakol, mga patalim, spikes at stun gun at gwantes.

Mayroon  isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ayon sa suspek, hindi sa kanya ang sasakyan at hiniram lamang niya sa isang kaibigan na hindi binanggit ang pangalan.

Inaalam ng pulisya kung miyembro ng isang sindikato ang suspek at kung saan gagamitin ang nakompiskang mga armas.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms, ammunitions, explosives, deadly wea-pons, paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at physical injuries.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …