Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tsekwang casino player timbog sa bala, baril at droga

122713_FRONT
Arestado ang isang Chinese national dahil sa pagdadala ng sangkaterbang baril, bala, granada at isang sachet na shabu sa isang casino sa Pasay City, Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Pasay City Police Chief S/Supt. Florencio Ortilla ang suspek sa pamamagitan ng nakuhang identification card, na si Jerry Sy, 42, negosyante,  ng 48 Fugoso Street, Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat ni SPO3 Rodolfo Suquina, Jr., ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), dakong 1:15 ng madaling araw nangyari ang insidente  nang nagkagulo sa Aquino Joint ng Resorts World, makaraang habulin ng saksak ni Sy ang isang Fil-Chinese na kinilalang si Joseph Ang, 58, casino agent ng Ringson’s International Office, nasa ikalawang palapag ng Resorts World Casino, Villamor, Pasay city.

Sa pahayag ni Sy, pinuntahan niya si Ang para tubusin ang kanyang isinanlang relo sa halagang P50,000.

Pero sinabi ni Ang na wala na ang relo na ikinairita naman ni Sy na humantong sa pagtatalo ang dalawa hanggang magkasakitan at maghabulan ng sasakyan.

Nang inspeksyonin ang kotse  (Honda Accord DL 5101) na dala ng suspek, tumambad sa mga pulis ang limang baril, dalawang anti-riot smoke grenade, tatlong hand grenade, isang electrical traser gun, maraming bala, martilyo, palakol, mga patalim, spikes at stun gun at gwantes.

Mayroon  isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ayon sa suspek, hindi sa kanya ang sasakyan at hiniram lamang niya sa isang kaibigan na hindi binanggit ang pangalan.

Inaalam ng pulisya kung miyembro ng isang sindikato ang suspek at kung saan gagamitin ang nakompiskang mga armas.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms, ammunitions, explosives, deadly weapons, paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at physical injuries.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …