Sunday , December 22 2024

Mexican drug cartel nasa Pinas na — PDEA

Nakapasok na sa Filipinas ang Mexican Sinaloa drug cartel, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ang lumutang matapos ang matagumpay na operasyon sa Lipa, Batangas, nitong Disyembre 25, na mahi-git P400 milyon halaga ng shabu ang nasabat.

Lumilitaw na ang naarestong si Garry Tan, Filipino-Chinese, at ang umano’y may-ari ng sinugod na farm na si George Torres, Filipino-American, ay kapwa konektado sa Mexican drug cartel.

Kasamang naaresto ni Tan sina RJ Argenos at Rochelle Argenos, mga carertaker ng nasabing farm.

Sinabi ng PNP, sa ibang bansa gawa ang mga ilegal na droga at ini-import lamang sa bansa.

Sinasabing nasa labas ng bansa si Torres at mga kasabwat na sina alyas Joey at Jaime na kapwa Mexican national.

Tiniyak naman ng PNP na tututukan nila ang lahat ng konektado sa grupong nabanggit.

“Naging maganda po ang naging resulta ng ating operation laban sa sindikatong ito,” ani PDEA Director General Arturo Cacdac.

Hangad ng awtoridad na umigting pa ang kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pa-mahalaan para mapuksa ang mga ganitong grupo.

Aminado ang PNP na sa laki ng bansa kompara sa maliit na bilang ng mga tauhan, mahirap banta-yan ang mga posibleng entry point.

Sindikato ng droga tututukan ng Palasyo

TINIYAK ng Malacañang sa publiko na hindi pababayaan ng administras-yong Aquino na mama-yagpag ang sindikato ng illegal na droga sa bansa.

Kaya inutusan ng Palasyo ang law enforcement agencies na paigti-ngin ang operasyon laban sa  illegal na droga, matapos masabat ang P420 milyong shabu laboratory na minamantine ng kilabot na Mexican Sinoloa drug syndicate sa Lipa City, Batangas, kamakalawa.

“Pag-iibayuhin ang pagsisikap na masabat o mahuli ang mga lumalabag sa batas, itigil ang kanilang krimen, at pa-ngalagaan ang kapaka-nan ng mga mamama-yan,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., hinggil sa natuklasang bilyon-bil-yong pisong industriya ng illegal na droga ng Mexican sa Filipinas.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), may 84 kilo ng shabu na nagkakaha-laga ng P420 milyon ang nakompiska sa shabu la-boratory sa Lipa City ng Sinoloa drug syndicate, ang pinaniniwalaang pinakamakapangyarihang sindikato ng droga sa Mexico.                         (RN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *