Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Empleyada ng pawnshop patay sa holdap

PATAY ang empleyada ng isang pawnshop nang holdapin ng riding in tandem matapos pumalag  nang hablutin ang dala niyang bag na naglalaman ng mala-king halaga ng salapi, sa Makati City kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Raquel Ricafrente, nasa hustong gulang, kawani ng Tambunting Pawnshop, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan mula sa kalibre .45 baril.

Patuloy na nagsa-sagawa ng follow-up ang Makati City Police kaugnay sa insidente at inaalam ang pag-kakakilanlan sa mga suspek.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong 11:00 ng umaga sa Calatagan St., Barangay Palanan, ng naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, magdedeposito ng pera si Ricafrente at galing sa Tambunting Pawnshop, 100 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.

Biglang sumulpot ang motorsiklo sakay ang mga suspek at agad hi-nablot ang dalang bag ni Ricafrente pero nanlaban ang biktima hanggang pagbabarilin ng mga suspek.

Sa ulat,  halagang P400,000 ang ibabanko ng biktima batay sa narekober na deposit slip.

Inaalam  din kung may CCTV camera ma-lapit sa crime scene at kung nahagip ang pagkakakilanlan sa mga suspek.       (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …