Monday , December 23 2024

Nasaan na ang pangako kay Gen. Danny Lim?

00 Bulabugin JSY

NAALALA natin noong nagsermon (re: makapal ang mukha sa BOC) si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa anibersaryo ng Bureau of Customs (BoC).

Agad naghain ng courtesy resignation si ret. Gen. Danny Lim pero hindi agad tinanggap ng Pangulo. Ilang linggo pa muna ang lumipas bago tuluyang tinanggap ang kanyang resignasyon.

At dahil maayos naman ang performance ni Gen. Danny Lim at hindi nasangkot sa ano mang anomalya, nangako ang Pangulo na siya ay muling itatalaga sa ibang pwesto sa gobyerno.

Kaya nga po itinatanong natin, nasaan na nga ba si Gen. Danny Lim?

Naitalaga na ba siyang muli ng Pangulo?!

Hindi po kasi natin nababalitaan.

Baka naman hindi pa. Sa aking pagkakakilala kay Gen. Lim ‘e kayang-kaya niyang gampanan  ang trabaho kung sa Airport security siya mailalagay.

Kung pagbabatayan ang mga huling pangyayari, may pangangailangan na i-beef up ang security sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

At kayang-kaya ni Gen. Danny Lim ‘yan!

P2 BILYON SILID ARALAN SA MATUWID NA DAAN MULA SA PAGCOR

MALAKING halaga ang inilaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa rehabilitasyon ng mga classroom sa public schools sa Visayas at ilang lugar sa Region 4 na tinamaan ng supertyphoon ‘Yolanda.’

Sabi ni Chairman BONG NAGUIAT,  “We want to give these kids new school buildings to provide them with decent and comfortable learning facilities.”

Maganda ang layunin at malaki ang BUDGET.

Palagay ko naman ay hindi hahayaan ni Chairman Bong Naguiat na mabalewala ang DONASYON ng PAGCOR para sa makabuluhang project na ito, ‘di ba DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson?!

Ang una sigurong dapat gawin ni Secretary Singson ay ‘SIPAIN’ at ilaglag ang bidding ng mga kontratistang mahilig mang-estafa ng government projects.

Lalo na ‘yung mga KONTRATISTANG LAWAY na nanghihiram ng ‘KAPAL NG MUKHA’ sa mga ‘district engineers’ na kasabwat nila.

D’yan mo dapat ingatan ang ‘PROJECT’ mo Chairman Naguiat para mapakinabangan talaga ng mga nasalanta ni ‘Yolanda’ ang kalinga ng gobyerno.

‘Yun  lang po at maraming salamat sa PAGCOR.

MERRY CHRISTMAS PCOO ASST. SEC. RENATO MARFIL

MUKHANG magiging MERRY ang PASKO para kay Assistant Secretary Rey Marfil ng Presidential Communications Operation Office (PCOO).

Aba ‘e, may balita na si ASSEC. MARFIL ang papalit sa nagbitiw na si Presidential Communications Group on Planning & Strategy Secretary Ricky Carandang.

Aba ‘e wala tayong masasabi sa taong ‘yan. Magaling nang magplano, magaling pang mag-isip ng estratehiya.

Kaya kung si ASSEC MARFIL ang papalit kay Carandang, aba ‘e t’yak makababawi agad ang IMAHE ni  Pangulong NOYNOY.

Go ASSEC MARFIL!

BARANGAY HALL SA PASAY,  GINAGAWANG MOTEL NG KAGAWAD?

WALANG kamalay-malay kaya o tahasang kinokonsinti ni Barangay Chairwoman Theresa Mariano ang isa niyang kagawad na si alyas Domeng patungkol sa pagdadala umano ng babae sa dis-oras ng gabi sa mismong barangay hall na Barangay 161 Zone 17 diyan sa Malibay, Pasay City.

Kung may katotohanan ang sumbong na ito sa Bulabugin, sa una pa lang ay hindi dapat hinahayaan ni Chairwoman Mariano na mag-stay-in si Kagawad Domeng sa barangay hall at gamitin ang mga pasilidad ng barangay sa kanyang personal na pangangailangan.

Ang mabigat sa isyung ito, ginagawang motel daw ni Kagawad Domeng ang 3rd floor ng barangay hall sa pagdadala ng babae tuwing hating-gabi.

Aba libreng board and lodging na si Kagawad, libre motel pa!?

Abuso na ito Chairwoman Mariano.

Nasisilip na si Kakawat ‘este’ Kagawad Domeng hindi lamang ng mga kapwa niya opisyal ng barangay kundi mismong mga taga-Barangay 161.

Aksyon Chairwoman Mariano!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *