Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Punla sa mabatong lupa (Part 28)

ANG KAMATAYAN NI EMAN AY NAGBUNGA NG PAGHAHANGAD NG KALAYAAN

Ngingit na nagsunuran ang lahat. Pero may maigsing baril pa ang nuknukan ng gulang na bata-bata ni Apo Hakham na nasa unahan ni Jasmin. Nakasukbit  ‘yun sa likuran ng panta-lon nito. Isang pistolang 9 mm na umutang ng maraming buhay. Sinunggaban iyon ng kamay na parang kidlat-sa-bilis. Pagdaka’y nagbuga ng bala ang bunganga ng pistola. At bumaon ang tingga niyon sa noo ni Eman sa gawing itaas ng kilay niya.

Hindi siya makapaniwala. Buo ang tiwala niya na mahal pa rin siya ng dating katipan at katawan lamang nito ang tanging naagaw sa kanya ni Apo Hakham.  Hindi niya matanggap ang katotohanan. Naguluhan tuloy ang utak niya. Inisip niyang maaaring nananaginip siya, o kaya ay naghahalusinasyon lamang sanhi ng pagkasinghot sa usok ng droga.

Nahandusay si Eman sa sementadong sahig. Masaganang dugo ang umaagas sa guwang na likha ng punglo sa kanyang noo. Dilat na dilat ang kanyang mga mata. Pamaya-maya’y bahagyang umarko ang likod niya sa paghahabol sa kahuli-hulihang hibla ng hininga. Nasa utak pa rin niya ang pagtutol na nagawa ni Jasmin na barilin siya. Nasabi niya sa sarili: “B-binabangungot ako… B-bangungot lang sana ito…”

Katal ang mga kamay na tinalikuran ni Jasmin ang bangkay ni Eman. Pilit nitong pinata-tag ang kalooban. Pigil-pigil malaglag ang namumuong luha sa mga mata. Mariin itong napakagat-labi. At pagkaraa’y paanas na nausal ang katuwiran nitong higit na binigyang halaga kaysa pag-ibig ng binatang dating nobyo: “’Wag nang dahil sa mga magulang at kapatid ko na patuloy na umaasa ng suporta sa amin… Tiyak na guguho ang magagandang pangarap ko para  sa ‘king mga anak ‘pag nawala sa amin si Hakham. At ‘di ko papayagang mauwi sa wala ang lahat ng tinatamasa namin sa  ngayon.”

Banayad nang bumabangon ang haring araw sa Silangan.  Mala-ginintuan ang liwanag  nito na unti-unting nagbibigay kulay at buhay sa mga bagay-bagay na nasa kalupaan. Nagbabadya ito sa pagsilang ng isang bagong uma-ga.

Para sa grupo ng mga kalalakihan at kababaihan na nanggaling sa lupain ni Apo Hakham, ang pagsayad ng mga paa nila sa rurok ng mapag-ampong dibdib ng kabundukan ay nakapawi sa kanilang pagod, gutom at uhaw. Doon sila magtitipon ng panibagong lakas. Doo’y pangungunahan sila ni Romar na buong katapatang  tumupad sa pangakong  pagbabalik sa bayan nina Digoy at Eman.

“Kukunin natin kay Apo Hakham at sa mga kauri niya ang nauukol para sa atin… Magsama-sama tayo para sa pangkalahatang kalayaan!”  pagtataas-kamao ni Romar sa harap ng mga dating manggagawa sa koprahan.

At sa naglalagablab na poot ng nagkakaisang tinig ay abot-langit na isinigaw ng lahat:

“Kalayaan, kalayaan, kalayaan!”

(Wakas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …