Nagtapos sa ika-pitong pwesto ang Filipinas sa 27th Southeast Asian Games matapos makakuha ng kabuang 101 medalya, 29 gold, 34 silver at 37 bronze.
Huling nakasungkit ng ginto sina Kristopher Uy at Kristie Alora sa Taekwondo at Preciosa Ocaya sa Muay Thai.
Tinalo ni Uy si Quang Duc Dinh ng Vietnam sa 87kg finals habang sa women’s 73kg wagi si Alora kay Davin Sorn ng Cambodia.
Nakaharap ni Ocaya sa women’s 54 kg si Phithsaya Phoumchanh ng Laos at matagumpay na nasungkit ang ginto.
Tinapos naman ng national team ng Sepak Takraw ang kampanya sa SEA Games na nakakuha ng bronze.
Ito na ang sinasabing isa sa pinakamababang ranggo ng Pilipinas simula noong 1977.
Nasa ika-anim pang pwesto ang bansa sa 26th SEA Games noong 2011 habang huling nanguna sa overall standing noong 2005 kung saan Filipinas ang host country.