PAGKATAPOS na gibain ni Marcos Maidana ang protegee ni Floyd Mayweather Jr. na si Adrien Broner noong linggo para mapanalunan ang WBA welterweight crown, malakas ang ugong na posibleng labanan ni Floyd si Marcos pagkatapos ng laban niya kay Amir Khan.
Ang labang Mayweather-Maidana ay ikinakasa ngayon ng mga oddsmakers na posibleng magkaroon ng kaganapan dahil malaking sampal kay Floyd na talunin ni Maidana si Broner na binibindisyunan niyang tagapagmana ng kanyang trono.
Sa panalo ni Maidana kay Broner ay nabisto sa boxing world ang kahinaan ng istilo ni Mayweather na kinokopya ni Broner.
Samantala, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng WBA sa kuwestiyunableng panalo ni Maidana kay Broner sa akusasyon ng kampo ng huli na gumamit ng PEDs ang kampo ng una sa pagitan ng Round 11 at 12.
Ayon sa handlers ni Broner, kitang-kita nila na may isinubong kung anong puting bagay ang conditioning coach ni Maidana para mapanatili ang lakas nito sa nasabing mga rounds.