Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot nanampal ng waitress (Toma at pulutan pinatungan?)

SA halip na magbayad nang nainom at napulutan, sampal ang inabot ng isang waitress matapos nitong singilin ang isang naglasing na kelot kahapon ng madaling araw sa Caloocan City

Kasong Estafa, Alarm and Scandal at Physical Injury ang kinakaharap ng suspek na kinilalang si Rubiano Fausto, 37-anyos, ng Visayas Avenue, Quezon City habang nakapiit sa detention  cell ng Caloocan City Police.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 2:00 ng madaling araw nang maganap ang  insidente sa loob ng barangay hall ng Barangay 88 ng lungsod.

Sa salaysay ng biktimang si Maritess Cawayan, waitress ng Zone 88 bar, nasa  Ground floor ng North Mall,  uminom at namulutan ang suspek sa kanilang bar  hanggang madaling araw.

Dakong 1:45 nang hingin nito ang chit para sa kanyang nainom na umabot ng P 4,000 pero sa halip na magbayad ay nagalit pa ito sa dalaga at kung ano-anong akusasyon ang pinagsasabi.

Nang hindi tumigil sa pagwawala ang suspek,  tumawag ng mga barangay tanod ang kasamahan ng waitress para dalhin ito sa barangay hall at doon singilin.

Dito na sinampal ng suspek ang waitress dahilan upang ilipat at ikulong sa presinto si Rubano.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …