ANG crystal ay ginagamit sa feng shui sa iba’t ibang pamamaraan, ngunit para sa iisang layunin, ang makabuo ng good feng shui energy sa tahanan.
Ang salitang crystal ay mula sa Greek word krystallos, ang ibig sabihin ay frozen light. Ang crystals ay ilang siglo nang ginagamit para sa maraming layunin – mula sa pagpapahilom hanggang sa proteksyon at dekorasyon.
Sa feng shui, ang crystal ay malawakang ginagamit para sa specific energy, o sa vibrations na idinudulot nito sa bahay o opisina. Halimbawa, ang rose quartz crystals ay ginagamit para makaakit ng love and romance, gayundin ay bilang panlunas sa nasaktang puso.
Feng shui wise, ang rose quartz crystals ay naglalabas ng specific frequencies na nagsusulong ng paghilom ng puso. Ang black tourmaline at hematite naman ay mayroong malakas na protective energies, habang ang citrine ay tumutulong sa paghilom ng self-esteem issues, gayundin ay nakahihikayat ng yaman at kasaganaan.
lady Choi