Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erap bumisita kay CGMA

BUMISITA kahapon si  dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Erap Estrada kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC), Quezon City

Dakong 2:55 ng hapon dumating sa VMMC ang convoy ni Estrada para dalawin si Arroyo na naka-hospital arrest dahi sa kasong pandarambong.

Sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, ikinatutuwa ng pamilya Arroyo ang pagbisita ni Estrada at ang atensyong ibinibigay nito sa kalagayan ni CGMA sa ospital ngayong Kapaskuhan.

Para sa kampo ni Arroyo, “President Erap’s magnanimous gesture is the best evidence of the Biblical saying that ‘what ye sow, so shall ye reap.’”

Binalikan ni Topacio ang pagbibigay ng pardon ni CGMA kay Estrada na anya’y nagbigay dito ng kalayaan at pagkakataong makapagsilbi muli sa mamamayan bilang alkalde.

Pinapurihan din ng abogado si Erap, sabay patutsada naman kay Pangulong Noynoy Aquino.

Sa ilalim ng administrasyong Aquino, na-hospital arrest si Arroyo sa kasong pandarambong.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …