Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BFF nakipag-sex sa asawa

Gd am po,

Napanaginipan ko po na ang best friend ko ay naki pgsex sa asawa ko tp0s na buntis pero hnd sa aswa ko. sa pangalawang gumamit sa kanya. Tp0s s amin pintira kasi bestfriend ko nga kawawa daw wla matuloyan… ano po ibig ipahiwatig ng panaginip ko, tnx (09295738710)

To 09295738710,

Kapag napanaginipan ang kaibigan mo, ito ay maaaring may kaugnayan sa aspeto ng iyong sarili na inaayawan mo, subalit handa mo rin namang kilalanin at i-incorporate. Ang relasyon mo sa mga nakapaligid sa iyo ay may mahalagang paperl upang mas makilala pa ang iyong sarili. Alternatively, kapag napanaginipan ang isang kaibigan, ito ay nagbabadya ng pagdating ng positibong balita. Kung childhood friend mo ito, ito ay nagsasaad ng regression sa mga nakalipas mo noong wala ka pang responsibilidad, na ang mga bagay-bagay ay mas simple at carefree. Maaaring nais mong makatakas sa pressures and stresses ng adulthood. Ikonsidera ang relasyon mo sa kaibigang ito at ang mga leksiyon na natutunan sa buhay. Alternatively, ang panaginip na childhood friend ay nagsa-suggests na ikaw ay umaasta sa childish manner. Dapat nang magsimulang umasta bilang isang adult.

Ang panaginip ukol sa sex ay may kaugna-yan sa psychological completion at ang pagsasama ng mga magkakasalungat na aspeto ng iyong sarili o pagkatao.  Sa kaso mo, maaaring senyal ito ng selos o kakulangan ng tiwala sa iyong asawa, dahil kung ano ang nasa subconscious mo o nasa isipan mo, natural lang na lumabas iyan sa panaginip. Tandaan na isang mahalagang elemento ng maayos na relasyon ng mag-asawa ay ang tiwala, kaya hindi ito dapat nawawala sa inyo ng mister mo. Kung may pag-aalinlangan ka, mas makabu-buting mag-usap kayo nang mahinahon ng asawa mo upang magkaintindihan. Tandaan mo rin sana na panaginip lang ito at hindi ito sapat na basehan upang husgahan at awayin mo ang iyong mister. Posible rin kasi na may nag-trigger lang kaya naging ganito ang takbo ng panaginip mo tulad ng napanood sa TV, sa sine, nabasa, narinig sa iba, et cetera. Kung ganito ang sitwasyon at alam mo namang matino ang asawa mo, huwag mo na itong isipin pa dahil nagkataon lamang ito at wala talagang koneksiyon sa inyo ang iyong napanaginipan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …