Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Be Humble masuwerteng naitawid

Masuwerteng naitawid na primero ni Pati Dilema si Be Humble sa idinaos na 2013 PHILRACOM Grand Derby nitong nagdaang Sabado sa Sta. Ana Park. Naorasan ang tampok na pakarera ng 2:08.0 (24’-24-26-25’-27’) sa distansiyang 2,000 meters.

Sa kabila ng pagkapanalong iyan ay maraming BKs ang hindi nakumbinsi sa nangyari, dahil nasaan daw iyong mga diremate na nakalaban gayong mahaba ang distansiya ?

Sobrang dikitan ang naging bentahan sa takilya, pero nung takbuhan na ay magkakalayo na ang agwat. May napasigaw naman ng mabuti na lang si Mark ang may sakay kay Divine Eagle, kundi ay baka hindi na nakalagpas si Be Humble. Kasi mas amo daw ni Mark ang koneksiyon nung nanalo ?

Tinanong ko kung bakit ? Katulad daw sa nangyari nung matalo ang outstanding favorite na si Yes Boy ay tinatanaw lang ni Mark iyong nasa harapan niyang si Makisig hanggang sa pumasok sa rektahan ay kumalas ng biglaan sa likuran iyong una dahil sa akalang makakaraos na iyong huli, ang kaso ay kinapos din.

Sabay dugtong pa ng  pagkatapos nun ay iba na ang nagdala kay Yes Boy at nanalo pa ng hugando. Sa nakapanayam nating iyan sa isa nating klasmeyt ay marunong na siya nung naisulat dito sa kolum natin na rebisahing mabuti ang mga pangalan ng tao na nasa programa, kaysa sa mga kabayong tatayaan.

Kaya ikaw klasmeyt, pag-aralan din mabuti at tutukan ang mga pangalan ng tao upang sa gayon ay mapasabay din sa mga mapanamantala sa karerahan.

Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …