MARAMI ang natutuwa dahil sa wakas ay matutupad na rin ang rehabilitasyon at renobasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Hanggang ngayon ay hindi makaalpas ang NAIA Terminal 1 sa imahe na isa sa ‘worst airport’ in the world dahil sa mga pasilidad na hindi na naayos gaya ng comfort rooms, dilapidated ceilings, leaking from roof to pipes, uncomfortable lounge for the tourist and local passengers at marami pang iba.
Isa raw sa major component ng construction ay remodelling ng mga food stalls sa NAIA T-1 Departurearea after Immigration kaya inabisohan na ng Manila International Airport Administration (MIAA) ang food stall owners na kailangan nilang i-vacate ang kanilang mga pwesto hanggang Disyembre 31 (malapit na po) upang huwag daw maabala ang gagawing konstruksiyon ng Department of Transportation and Communication (DOTC) bilang paghahanda sa Asia Pacific Economic Cooperation summit on March 2015.
Ang tanong, ANO NAMAN ANG MANGYAYARI after renovation?!
Makababalik pa ba ang dating stall owners?!
Ansabe, magkakaroon daw ng bagong BIDDING sa mga interesadong concessionaires…
Okey naman daw ang mga stall owners na magkaroon ng panibagong bidding.
Ang ipinag-aalala lang daw nila hindi kaya MAKOPO ng KAMAGANAK INC., o ng mga KAMAGANAK ni KUMANDER ang bidding?!
Let’s just wait and see.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com