MANILA’s Finest kung tagurian noon ang Manila Police District (MPD).
Walang malalaking kaso noong araw na kapag nahawakan ng MPD ay hindi nalulutas.
Kaya nga maraming bagitong pulis ang nangarap na mapabilang sa MPD at masanay sa ilalim ng pamumuno ng mahuhusay na imbestigador at operatiba.
Ganoon din naman, maraming opisyal ng pulisya ang nangangarap na pamunuan ang MPD dahil karagdagan itong karangalan sa kanila.
Kaya naman nagulat tayo nang mabalitaan natin na mayroong dalawang ULALONG pulis ang nagbarilan at napatay pa ang isa dahil NAGKABUKULAN umano sa RECYCLED na DROGA.
Aba naman, MPD DD General Isagani Genabe, mukhang mayroon kang ‘MALALANG’ problema d’yan.
Nag-RESHUFFLE ka ng mga station commanders dahil kamo sa hindi matigil-tigil na ‘KOTONGAN.’
Ilang linggo ka nang nag-RESHUFFLE pero lalo pang TUMINDI ang pangongotong ng mga lespu.
Ngayon naman, dalawang bagitong pulis mo ang nagbarilan dahil nagkabukulan sa ‘itinulak’ na kompiskadong shabu.
Bagito ‘yan ha, pero ‘TAHIRAN’ sa paggawa ng katarantaduhan.
Sonabagan!!!
Nakikita ka ba talaga ng mga pulis mo, General Genabe?!
Baka naman kasi mas madalas ka pa sa Manila City Hall o sa Sta. Mesa kaya ‘feeling’ ng mga lespu mo ‘e wala silang DISTRICT DIRECTOR.
Hindi man lang ba nangilag sa iyo ang mga pulis mo gaya niyang sina PO1 Anthony Alagde (RIP) ng Manila Police District – Special Operation Unit at PO2 Jugiex Quinto ng MPD-District Anti-Drug Intelligence Division?
Aba ‘e, napakalakas naman ng loob nilang ‘MAGTULAK’ ng kompiskadong shabu?
Tingin ko ‘e hindi na lang ‘KAHIRAPAN’ o maliit na sweldo ang isyu rito.
Mayroon nang problemang MORAL ang mga LESPU mo General Genabe.
Aba ‘e isyu na ng COMMAND RESPONSIBILITY ‘yan. Sa palagay mo ba ay mayroon ka pang MORAL GROUND para pamunuan ang MPD?!
Huwag mo nang hintayin na maindulto ka pa General.
Dapat siguro ‘e pangunahan mo na ang pagre-RESIGN bilang district director ng MPD bago ka pa mabansagan ‘worst MPD director!?’
‘Yan naman ay kung may delicadeza ka lang Sir…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com