NANG mabalitaan ng mga MPD LESPU na makatatanggap sila ng P6,000 ERAP BONUS (Hindi PNoy ha) e natuwa sila … pero bigla rin silang nadesmaya …
Kasi ba naman ang sumayad sa mga palad nila ay P4,000 na lang.
KINATKONG ‘yung dalawang libo (P2,000) dahil inobliga silang bumili ng MPD commemorative plate na MPD 113TH anniversary. Kung hindi tayo nagkakamali, sa Enero 9, ang ika-113 anibersaryo ng Manila Police District (MPD).
Kaya imbes masiyahan sa ERAP Bonus ‘e nadesmaya pa ang mga pulis.
‘Yung mga pulis na mayroong sasakyan, s’yempre meron silang paglalagyan.
‘E paano ‘yung mga walang sasakyan? Saan nila ilalagay ‘yan?! Ikakabit sa likod nila?!
At hindi ba ipinagbabawal na ng LTO ang paggamit ng commemorative plate sa mga sasakyan!?
Gademet!!!
MPD DD Gen. Isagani Genabe, ano bang pinaggagagawa ng mga bata mo sa MPD!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com