Friday , November 15 2024

Mayor Tony cash-lixto ‘este mali’ Calixto sumasakit ang ulo sa 300 hectares SM reclamation project

00 Bulabugin JSY

NGAYONG nagsalita na rin ang general manager ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na si Peter Anthony Abaya tungkol sa ‘napaborang’ SM Land Inc., P54.5 billion reclamation project pero muling binawi ng Pasay City Council ‘e mukhang tuluyan nang sasakit ang bulsa ‘este’ ulo ni Mayor Pasay Tony Calixto.

Ayon kay Abaya, kinakailangan kumuha ng balidong legal opinion si Calixto mula sa Department of Justice (DoJ) at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos BAWIIN ng KONSEHO ang resolution na pumapayag sa proyekto ng SM Land.

Ito na rin ang nagsilbing sagot ng PRA sa sulat ni Calixto at ng Pasay City Public-Private Partnership Selection Committee (PPP-SC) na nag-i-endorse sa joint venture agreement ng nasabing LGU at ng SM.

Kinakailangan umano ang nasabing legal opinion dahil ang nasabing JVA ay hindi pwedeng i-refer sa Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) dahil wala naman silang jurisdiction sa LGU.

Kaya nga pinagsabihan din ni Abaya ang Pasay City government na huwag gamitin ang kanilang pangalan sa nasabing ‘intra-LGU’ issue.

Sinasabi umano ng PPP-SC na ang PRA ang may-ari ng nasabing proyekto. Pero ang nakadeklara sa JVA, ang city government ang project owner habang SM Land naman ang project developer.

ARAY KO PO!

‘E ano na nga mangyayari sa ‘TATLONG B as in BETLOG’ (alias Bing Lintikson, Bong Sirano, Boyet Casino) ng Pasay City Hall na  sinabing promotor ng ‘GOODWILL’ at SOP sa transaksyon na ‘yan?!

‘Yan kasi, gusto ninyo KAYO-KAYO lang ang HAPPY, kaya bigla tuloy bumalikwas ‘yung mga ‘NABUKULAN’ daw!?

Hik hik hik … sumasakit tuloy ang ulo ninyo.

By the way, Mayor Tony, baka hindi pa nakararating sa iyong kaalaman, sumampa na nga pala ‘yung kasong LIBEL na inihain mo laban sa inyong lingkod.

Kunsabagay, mas magtataka naman ako kapag na-DISMISS ‘yan. Teritoryo mo ‘yan ‘e!

Palagay ko isang araw ‘e magkikita rin tayo sa Korte o baka dumalas pa.

Hindi naman siguro makadaragdag sa SAKIT ng ULO ninyo ang kasong ‘yan ‘di po ba, Mayor?!

Baka nga na-relieve pa ang STRESS mo dahil sumampa nga ‘yung kaso …

KITA-KITS na lang po, Mayor!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *