MALAPIT na raw maaprubahan ang panukalang ordinansa ni Quezon City District 1 Councilor Victor Ferrer, Jr., chairman ng ways and means committee, na naglalayong SINGILIN ang Quezon City residents ng P100 hanggang P500 kada taon bilang bayad sa basura.
‘E paano ‘yung mga mahihirap na residente na hindi kayang magbayad kahit ng P100, ano ang mangyayari sa basura nila?!
Hindi na kokolektahin ng City government?!
Hindi na tayo nagtataka kung bakit nasisilat sa eleksiyon si Konsehal Jun Ferrer.
Mantakin ninyong SERBISYONG pangongolekta ng basura ‘e SISINGILIN pa sa mga residente?!
Baka nalilimutan ni Konsehal Ferrer na kasama ‘yan sa tungkulin ng local government unit (LGU), ang tiyakin ang kalinisan ng kapaligiran para sa kalusugan ng mamamayan.
Hindi pa ba kayo kontento sa pork barrel n’yo (Konsehal) na P50M kada taon at kailangan dagdagan pa ng pahirap ang constituents ninyo!?
Aba’y diyan nga raw sa Quezon City pinakamataas ang buwis na binabayaran ng mga negosyante at residente!
Quezon City council … esep-esep din kapag may time.
Ay sus naman!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com