MUKHANG mabigat agad ang BAGAHE ni rehab czar PING LACSON.
Hindi pa man nailalatag nang husto ang eskima ng kanyang gagawing rehabilitasyon ‘e heto at nagpapautos na imbestigahan daw ang mga opisyal ng local government units (LGU) na nanghihingi ng kickbacks o tongpats.
Hindi po natin kinokontra si rehab czar Ping at lalong hindi tayo natutuwa kung mayroong tumatrabaho para sa kickbacks.
Ang sa atin lang ‘e, pwede ba, ipakita muna ninyo kung anon g MUKHA ng rehabilitasyon para sa mga nasalantang probinsiya?!
Ang laki ng pondong gagamitin d’yan. Kaya kailangan magkaroon ng overview ang sambayanan kung ano ang itsura ng gagawing rehabilitasyon.
Paano natin paniniwalaan na mayroong nagaganap na areglohan o ayusan sa mga makukuhang kickbacks ‘e ‘yung itsura nga ng REHAB program hindi pa natin nabi-visualize.
Saan nakabase ‘yung ‘TSISMIS’ na mayroon agad nagaganap na KICKBACKS?!
Politika na naman ba ito?!
Maawa kayo sa mga napinsala. Tulungan muna natin silang makabangon.
Mas gustong makita ng mga biktima na may ginagawa ang pamahalaan kaysa nagbabangayan agad kayo sa harap nila.
Utang na loob, MAGTRABAHO na muna kayo!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com