Monday , December 23 2024

Kaskaserong driver dapat talagang disiplinahin!

00 Bulabugin JSY
PABOR po tayo na tanggalan ng prangkisa ang Don Mariano Transit na ilang beses nang nasangkot sa iba’t ibang uri ng aksidente sa kalye.

Nagtataka naman po tayo na sa dami ng mga bus na bumibiyahe sa EDSA, ang madalas na nasasangkot sa madugo at karima-rimarim na aksidente ay ang mga bus na pag-aari ng Demonyo ‘este’ Don Mariano Transit.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang operator ng Don Mariano Transit ay ‘yung operator din ng Pascual Liner noong araw.

Ibig sabihin ulit, mga beterano at tahiran na sila sa industriya ng bus. Kaya nagtataka tayo kung bakit nakakukuha pa sila ng mga demonyong DRIVER na ABUSADO at KASKASERO.

Akala yata ‘e PILOTO sila ng eroplano.

Naranasan na rin po natin pumasok sa industriya ng bus.

Lahat po ng mga beteranong transport operator, nagagawa nilang sakalin ang INJECTION PUMP para maipirmis sa 80 kph ang speed ng sasakyan.

Alam naman natin na ang mga driver at konduktor ng bus ay commission basis lamang. Bihira ang mga kompanya ng bus na nagpapasweldo nang regular sa driver at sa konduktor.

Sa isang banda, gusto rin ito ng mga driver ng konduktor dahil mas malaki ang kinikita nila kapag commission basis.

At ‘yan ang isa sa mga dahilan kung bakit mayroong mga bus na kaskasero ang mga driver. Gusto kasi nilang makarami ng biyahe at makakuha ng maraming pasahero para malaki nga ang commission nila.

Kung hindi didisiplinahin ng bus operator ang kanilang mga driver, t’yak na laging ganyan ang mangyayari. Hindi lang bus operator ang napeperhuwisyo kundi maging ang buhay ng mga pasahero.

Sana laging isaisip ng mga driver sa public transport na hawak nila ang buhay ng kanilang mga pasahero kaya dapat na maging mas maingat sila sa pagmamaneho.

At sa mga operator, pumili po kayo ng matitinong driver at obligahin ninyo ang drug at alcohol test sa kanila. Kasama po ‘yan sa obligasyon ninyo sa publiko.

Matuto sana tayo sa mga aral ng karanasan para na rin sa kaligtasan ng publiko.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *