Wednesday , November 13 2024

Shipping company ginigipit ng PPA

PUMALAG ang kinatawan ng malaking shipping company sa umano’y panggigipit sa kanya ng pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) na naging dahilan ng pagkakasibak niya sa trabaho at pagkalusaw ng kanyang maliit na negosyo sa Vitas Terminal sa Tondo, Maynila.

Personal na dumulog upang humingi ng tulong sa media si Rudy Chan, dating kinatawan ng Whales Shipping Corporation makaraang sibakin siya bilang kinatawan ng naturang kompanya matapos ang umano’y panggigipit na ginawa sa kanya kaugnay sa inokupa niyang maliit na bahagi ng lupaing pag-aari umano ng National Housing Authority (NHA).

Nagsimula umano siyang pag-initan ng PPA nang magtayo siya ng maliit na negosyo ng scrap metal at gamitin ang bahagi ng lupang pag-aari umano ng NHA, malapit sa Pier 18.  Binigyan aniya siya ng taning ng hanggang Nobyembre 30, 2013  upang umalis at bakantehin ang lote kung wala siyang maipapakitang dokumento na pinayagan siyang gamitin ang bahagi ng lote

Depensa ni Chan, pansamantala lamang ang pag-okupa niya sa lote lalo na’t siya ang namamahala at nag-aasikaso sa  regular na pag-angkla ng ilang guevarra o barge sa naturang lugar at nakahanda siyang makipag-ugnayan sa NHA para sa pag-okupa sa lugar. Hiniling din ni Chan sa kanyang liham kay Clarissa Ignacio, Port Manager ng Port Management Office (PMO) sa North Harbor ang kopya ng memorandum o agreement ng tanggapan na magpapatunay na sila ang may karapatan sa naturang lupain at hindi ang NHA.

Gayonman, sa kabila ng kanyang kahilingan, iginiit pa rin ng PMO  na nabigo si Chan sa hinihingi nilang dokumento na magpapatunay na binigyan siya ng karapatang okupahin ang lugar at inatasan na bakantehin na kaagad ang inokupang lote.

Sinabi ni Chan imbes kampihan siya ng pinaglilingkurang kompanya, sinibak siya bilang kinatawan ng Whale Shipping Corporation at ipinalit sa kanya si Jose Lepiten  bilang opisyal na kinatawan na makikipag-transaksiyon sa PPA.

Ayon kay Chan, inipit umano ng pamunuan ng PPA ang pagkakaloob ng Berthing Permit sa kanilang kompanya dahil sa usapin kaya’t pinalitan siya bilang kinatawan ng naturang shipping corporation. Ang naturang permiso ay ipinagkakaloob ng tanggapan sa mga shipping company upang makapag-angkla ang kani-kanilang barko sa port terminal sa North Harbor. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *