INIUTOS ni ‘rehabilitaion czar’ Panfilo Lacson sa Philippine National Police at National Bureau of Investigastion (NBI) ang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing tangkang pangingikil ng ilang local government officials sa mga natanggap na tulong para sa rehabilitation efforts ng mga lugar na sinalanta ng super typhoon.
Ayon sa bagong talagang presidential assistant for rehabilitation and recovery, nakarating sa kanya ang report na may ilang LGU officials ang humihingi ng kickbacks sa nakalaang multi-billion peso funds.
Bukod dito, may ilan din nagtatangka na “magpalusot” para kumita sa ginagawang rebuilding efforts.
“I’ve asked the PNP and the NBI to work on it. The rehabilitation and recovery efforts have yet to start full blast and full blown, but there are those who already make excuses,” ayon sa opisyal.